Saturday, October 18, 2008


ang mga fraternity ay maaring magdulot ng kasamaan at masamang impluwensiya sa mga mag-aaral kung ang mga kasapi nito ay pawang mga di matitinong mga tao at magdudulot lamang ito ng hindi magandang epekto sa pag-aaral at buhay ng mga mag-aaral.Sa paglipas ng mga panahon ng pagassli sa mga fraternity ay naging batayan upang ang mga mag-aaral ay masaasabing sikat at in sa mga uso at mga lkalakaran sa makabagong panahon. Ito ay naging poaraan ng mga kabataang mga mag-aaral sa pagkakaroon ng mga kaibigan at mga kasama sa mga katuwaan at kasiyahan na maaring maging paraan upang magkaroon ng pagkakataon na makapagpahayag ng mga opinyon at mga kuro-kuro tungkol sa mga pangyayari at bagya bagay sa paligid. MArami ang nagsabi na ang pagsali sa mga fraternbity ay nakatuwa at nakakapagbigay ng pagkakaton na magkaroon sila ng sariling mga pananaw.


Sa ngayon ang pagsali sa mga fraternity ay ginagawang pasyon ng mga kabataan upang magkaroon ng pagkjakataon na maging kabilanbg sa uso at maging updated sa mga kalakarang pangkabataan at kalokohan.
Marami rin ang nagsasabi na ang pagsali rito ay nagdudulot rin ng mabuti sapagkat magkakaroon mka ng pagkakataong makaghanapo ng mga magigiubng karamay sa problema at mga kaibigang tunay.

Ngayon, bilang isang mag-0aaral,m kung ang aking intensiyon ay ang makapagtapos ngh pag-aaral, kung ang isang samahan ay maaring makapagbigay sa akiun ng tulong at benepisyo ay mamarapatin ko na mapabilang sa samahan at kung hgin di naman ay maari akong makapagtapos ng pag-aaral sa sariling pagsisikap.





Jessa E. Mondala
Block IIC





Friday, October 17, 2008

Nagiging Kumplekado ang pag-aaral ng mga studyante sa pagsali sa fraternity at sorority?

Ano nga ba ang fraternity at sorority? Ito ay isang samahan ng mga kabataan patikular sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang mga myembro nito ay may tawagan na "sis" para sa mga kamyembrong babae at "bro" sa mga lalaki. Sa madaling salita, isinusulong nito ang sistemang "kapatiran".
Iba't-iba ang naging interpretasyon ng mga tao ukol sa organisayong ito. Ang iba, sinasabing ito ay nakakasama sa kadahilanang marami ng masamang pangyayari ang naiulat sa mga telebisyon, radyo at iba pa. Ang iba naman, ito raw ay nakakatulong kapag ikaw ay nakapagtapos lalo na sa paghahanap ng trabaho. Napapaunlad pa nito ang katangiang sosyal ng myembro dahil sa mga itinatatag na gatherings at nadadagdagan ang bilang ng mga kaibigan, kakilala at kakampi.
Para sa akin naman, nasa taong sumali na kung paano niya dalhin ang xtracurricular activities at pangakademik. Sa akin lamang naoobserbahan maraming buhay at kinabukasan ang nawasak dahil sa pag sali sa ganitong organisasyon. kagaya na lamang sa naulat na isang estudyante na nasawi bunsod ng pagiging miyembro nito. Ang iba naman, ay nagiging hambog dahil nga sa pagiging kasampi nito.
Dahil sa mga masamang pangyayaring ito ay maraming mg magulang ang nagdusa, at nabigo sa pag-asang magiging matagumpay ang kanilang mga anak sa pag-aaral dahil sa impluwensya ng sorority at fraternity.
Bilang isang mag-aaral, maging matalino sa pagpili at pagkilala sa anumang organisasyong sasalihan dahil ika nga nila "walang pagsisising nauna".

Posted by:
Ivy ann Toledo

Bakit marami ang nagkakainteresado na sumali sa Fraternity at Sorority?

Ayon sa nakalap kong impormasyon ang mga kabataang nagkakinteresado na sumali sa Fraternity at Sorority ay dumarami sa mga kadahilanang ang kapisnang ito ay nakakatulong sa kanilang pag-aaral. Nagsagawa ako ng pagsisiyasat tungkol sa kanilang mga opinyon kung talagang nakakatulong ang Fraternity at Sorority sa kanilang pag-aaral. Ayon sa opinyon ng sampung mag-aaral ng USP pito sa kanila ang nagsasabing nakakatulong ang Fraternity at Sorority sa kanilang pag-aaral. Isang halimbawa nito ay sa panahon kung saan nakakaranas ang isang mag-aaral ng kagipitan. Ayon sa kanila interesado silang sumali dahil sa panahon ng kagipitan ay mayroong kapatid na handang tutulong sa iyo at iyan ang tinatawag nating "brotherhood". Sa sampung mag-aaral ng USP tatlo naman sa kanila ang nagsasabing hindi nakakatulong sa ating pag-aaral ang pagsali sa Fraternity o Sorority. Dahil sa mga iba't -ibang kadahilanang ito:

1.) Marami ang namamatay sa hazing dahil hindi nila nakayanan ang hirap at sakit na kanilang dinanas sa sinsabi nilang kapatiran.

2.) Ang iba naman ay interesado na pumasok dahil lamang sa kanilang kagustuhan na maging aztig at katakotan sa paningin ng karamihan.

3.) Interesado silang pumasok sa kapatiran dahil lamang sa kadahilanang naimpluwensyahan lamang sila ng kanilang mga kaibigan.

Napakasit isipin na maraming mga kabataan na na-iingagnyo at nagkaka-interisado na pumasok sa Fraternity at Sorority. Kahit alam nila na may iba't-ibang dilema ang hatid ng Fraternity at Sorority sa pagpasok sa tinatawag nilang kapatiran.

-Arniel P. Navarro
Block C
(BSAB)

Ano nga ba ang epekto ng fraternity at sorority sa karakter ng mga kabataang Pilipino?

Sa aking mga nakapanayam na mga dating miyembro ng fraternity at sororities tungkol sa pahayag na ito, marami daw ang naging epekto ng pagsali nila dito sa paghubog ng kanilang pagkatao. Isa sa maituturing na pinakadahilan ng kanilang pagsali sa mga fraternities at sororities ay belongingness o upang magkaron ng maraming kaibigan o karamay sa oras ng kagipitan. At ayon sa kanila, nakita talaga nila ang tunay na suporta ng kanilang mga brads at sis.Kaya naman malaki ang kanilang nagiging paniniwalang walang mananakit sa kanila at kung meron man malaki ang kanyang depensa laban sa kanila. Maliban dito, ang pagpapalakas ng loob o self-confidence ay isa rin sa mga dahilan. Bawat miyembro ng isang fraterniy at sorority ay dumadaan sa matinding pagsubok upang subukin ang kanilang tapang at galing, kaya naman mas lalong lumalakas at tumitibay ang kanilang loob lalo na kapag nalampasan nila ang lahat ng mga initiation rites o hazing sa mga fraternities at sororities na sinasalihan nila. Dahil hindi daw basta-basta ang mga pagsubok dinaanan nila.

kadalasan rin daw, mayroong mga ugali ng mga miyembro na nakukuha ng isa tulad na lamang nang pagiging wild, astig, sabay sa uso at sobrang bilib sa sarili at hambog. Ito ang mga negatibong ugali na makikita sa kanila ng karamihan, kaya naman marami ang di sang-ayon sa pagpapanatili ng mga fraternities at sororities sa mga eskwelahan. Ngunit sa mga taong kasapi dito marami ang naging pakinabang at naitulong nito sa kanila dahil nga sa pagkakapatiran kung saan ito ang nagbigay sa kanila ng lakas ng loob, katatagan at tapang.

Noon marami ang masasabing positibong naidudulot ang mga fraternities at sororities, tulad na lamang ng isa sa mga nakapanayam ko na nakatulong ang kanyang sis sa fraternity na sinalihan niya sa kolehiyo na may malaking posisyon sa isang kompanya na nagbigay sa kanya ng trabaho. Ngunit sa pagdaan ng panahon, wala ng magandang naidudulot ang mga ito dahil may nababalitang namamatay dahil sa mga hazings na tinuturing na mga rituals sa bawat bagong miyembro na sumasali dito. Dahil dito, nag-implementa ang gobyerno ng anti-hazing law, na siyandg naging daan kaya may mga eskwelahan na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng mga fraternities at sororities.

By: Sheila Mae Nicdao II-C

Thursday, October 16, 2008

Fraternity at Sorority: Nakakaistorbo sa Pag-aaral

Tayo ay pumapasok sa paaralan upang may matutunan,masuklian ang paghihirap ng ating mga magulang,makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay.
Ano nga ba ang sabi ng iba kung ika'y sasali sa Fraternity at Sorority? Pagdadamayan raw at pagkakapatiran.Tama nga ba? Ngunit bakit maraming mga estudyante ang namiligro ang buhay at namatay. Imbes na ang oras mo ay nasa paaralan at nakikinig sa leksyon ay lumalabas para bigyang oras ang fraternity at sorority. Nasaan ba ang pagkakapatiran kung nakikita mo ang iyong kapwa na pinapalo at pinapaso na walang kasalanan? Nasaan ba ang pagdadamayan kung ikaw ay nasasaktan na at umiiyak dahil sa sakit ng katawan. Yan ba ang sinasabi nilang pagkakapatiran at pagdadamayan?
Palo doon,palo dito,sampal sa kanan, sampal sa kaliwa.Saan ba doon ang natutunan nila? Naghahanap lamang sila ng sakit ng katawan.
Tayo ay nasa paaralan upang sa ganon naman ay masuklian natin ang pagpapagod ng ating mga magulang sa paghahanapbuhay. At hindi suklian ng pag-aalala na hahantong sa pagkakasira ng buhay. Nadadamay ang ating mga magulang,dapat pinapasaya natin sila sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti.
Paano ka makakapagtapos kung wala ka palagi sa klasrom at mababa ang skor mo sa exams. Hindi maganda na ika'y gragraduate na puro pasang awa ang mga grado mo. Nakakahiya! Paano mo rin magagawa ang mga takdang-aralin mo kung palaging sumasakit ang katawan mo? Paano ka magkakaroon ng magandang buhay kung ang naabot mo sa pagsali sa fraternity at sorority ay simula ng pagkasira ng buhay mo? Marami na ang namatay sa fraternity at na rape sa sorority. Yan ba ang pagkakapatiran at pagdadamayan? Wala kang matutunan sa ganyang organisasyon. Hindi rin ito nakakatulong sa ikakaunlad ng iyong buhay at marami kang masasaktan lalong lalo na ang iyong mga magulang.
Sa mga kabataang papasok sa kolehiyo ay sana mamulat kayo kung ano ang magiging kinabukasan niyo kung kayo ay sasali sa fraternity at sorority. Sana ay i-ban na rin ang ganitong organisasyon upang di na tularan at wala ng buhay ang masayang.

Maraming salamat po sa iyong pagbabasa!

Mary joy R. Arroyo Block C

KOMENTO NG MGA MAGULANG TUNGKOL SA FRATERNITY AT SORORITY

Sa aking mga nakapanayam sa mga magulang tungkol sa fraternity at sorority merong sang-ayon at hindi sang-ayon sa ganitong pagkakapatiran. Sa ganitong sitwasyon marami tayong malalaman kung ano ba talaga ang hinaing o gustong ipaabot ng mga magulang sa matataas na pamahalaan sa ganitong klaseng grupo. Hindi sa lahat ng panahon ang mga peer group ay nakatutulong dahil lahat ng bagay sa mundo merong negatibo at positibo.Magiging epektibo at malinis sa pananaw ng mga tao ang isang peer group kung meron itong malaking maiaambag na maganda sa lipunan. Dahil hindi naman babatikosin ng mga opisyal ng ating pamahalaan ang ganitong pagkakapatiran kung maganda lamang ang kinahihinatnan sa mga taong sasali sa ganitong grupo.
Tatlo sa limang aking nakapanayam sinabi nila na dapat lamang daw i-ban ang ganitong klaseng grupo dahil hindi ito nakapagdudulot ng maganda sa kabataang sasali. Ang nais lamang nilang ipaabot sa gobyerno na dapat subaybayan ng maayos ang mga kabataan lalong lalo sa mga kolehiyo dahil sa ganitong level daw nagsisimula ang fraternity at sorority. Sa ibang panig dalawang magulang ang nagsabi na wala naman daw masama sa ganitong pagkakapatiran , ayon sa kanila nakatutulong daw umano ito sapagka't kung may problema ang isa sa grupo ay tutulong ang lahat kaya nga marami ang sumasali sa ganitong pagkakapatiran o fraternity a sorority. Hindi naman daw siguro tanga ang mga kabataan na sasali sa ganitong grupo dahil hindi naman lahat nito ay nakakasama.
Samat'wid merong mga magulang ang sang-ayon at hindi sang-ayon sa fraternity at sorority. Pero sa ganitong sitwasyon mas marami ang hindi sang-ayon, sapagkat talaga daw na nakapagdudulot ito ng disgrasya o kapahamakan, halimbawa nalang yung sa UP student na namatay dahil sa hazing, isa lamang daw iyon sa mga kadahilanan kung bakit kailangang i-ban ang ganitong grupo. Para sa mga gobyerno kailangan talagang tutukan ang ganitong sitwasyon sapagkat magulang ang mas maaapektuhan kapag may masamang nangyari sa kanilang mga anak.

By:Karen C. Carreon Blk-C

Kinakailangan nga bang saktan ang bagong membro ng isang fraternity?

Ang pag sali sa isang Fraternity o Sorority, ay kinakailangan munang dumaan ang mga bagong membro sa isang pagsubok na inihahanda ng mga lider ng isang organisasyon upang masubokan ang katapatan at tatag ng loob ng mga bagohan. Isa sa kanilang ginagawa ay ang hazing o pagpalo sa katawan ng mga gustong sumali sa kanilang grupo. Ito ay maaring magdulot ng kapahamakan sa isang tao at maari ring ikamatay. Ngunit hindi ito iniintindi ng mga lider ng organisasyon, ang nasa isip lang nila ay ang katapatan ng bagong membro. Hindi lang "Hazing" ang kanilang ginagawa, may ibang organisasyon din na ang kanilang ginagawa ay pinapahiya nila ang kanilang bagong membro sa ibang tao at inuutusan nila ito ng kahit anu na maaring mapahiya sa iba. Ito ay kusang loob ding ginagawa ng mga bagohan para lang mapasapi sa isang organisasyon. Ilan lamang ito sa mga dapat tandaan sa mga taong gustong sumapi sa mga Fraternity at Sorority.

Ngayong alam na natin ang maaring gawin sa kung sinumang gustong maging membro ng isang Fraternity o Sorority, may lakas pa ba kayong sumali dito? Kung para sakin bakit pa? Bakit ko hahayaang saktan ang sarili ko ng ibang tao. Ngunit nasa inyo narin ang disisyon dahil alam natin na ang bawat tao ay may karapatang mag desisyon para sa kanilang sarili.

By: Lumansoc, Constancia II-C

Nakamamatay ba ang pagsali sa Fraternity at Sorority?

Maraming kabataan ngayon ang namatay ng dahil lamang sa pagsali ng fraternity at sorority, bagaman marami pa ring kabataan ang gustong sumali sa ganitong organisasyon.
Bakit gusto ng mga kabataan ang pumasok sa ganitong organisasyon gayong alam naman natin na maraming pahirap ang pagdadaanan bago ka makapasok o maging kasapi ng isang kupunan o organisasyon, hindi ka rin sigurado kung anong kahahangtungan ng pagsali mo, pwede kang mabuhay o mamatay.
Hindi masama ang sumali sa ganitong organisasyon, marami kang makikilala o maging kaibigan, matutulungan ka rin nila sa iyong problemang kinakaharap. Alam natin na kapag pumasok ka sa fraternity at sorority meron ka munang pagsubok bago ka maging kasapi sa kanilang grupo kagaya na lang sa pagsunod sa utos ng nakakataas sa kanila o di kaya sa pagpalo sa iyong paa o kamay na isa ring sanhi kung bakit mamamatay isang tao na pumasok nito.
Pwede ka naman magkaroon ng kaibigan o maraming kakilala ng hindi nasasaktan, maging mabuti ka lang sa kapwa mo siguradong marami kang maging kaibigan, hindi ka pa masasaktan, magkakaroon ka pa ng maraming kaibigan na pwede mong takbuhan oras na kailangan mo sila, at hindi ka mamamatay dahil lang sa palo.
Hindi ka nga pinapalo ng magulang mo o madapuan man lang ng insekto, eh nagpapalo ka naman sa hindi mo kadugo. Pero nasa sa iyo kung sasali ka sa organisasyong maaaring ikapahamak mo.
by: Corrales, Edsil Mary Joy A. Block II-C (Group 6)

Fraternities ba kamu?

Ang fraternities at sororities ay isang asosasyon na kinabibilangan ng mga halos kolehiyong estudyante at alumni. Ang fraternities ay nag-umpisang sumibol sa kolonya ng Amerika samantalang ang sororities ay nautatag s akalagitnaan ng 19 century. Ang salitang fraternities at sororities ay parehong nagmula sa salitang latin na "frater", na ang ibig sabihin ay "brother" at "soror" na ang ibig sabihin ay "sister". Samakatuwid, ang sosority at fraternity ay pangkat na nagpapalaganap ng "kapatiran". At ito ay binubuo ng apat na organisayon: ang sosyal fraternity, propesyonal, akademya at service fraternity.

Ang sosyal fraternity at sorority ay nagbabahagi ng kaunlarang pansosyal ng bawat miyembro sa pamamagitan ng kalakarang sosyal at serbisyong pamproyekto. Ang faternities at sosorities sa mga kampus ay may sangguniang chapter. Ito ay maaaring sa isang bahay o malapit sa paaralan kung saan ang mga miyembro ay nagtitipon-tipon at magsagawa ng pangkalakarang sosyal. Ang mga pangkat ding ito ay maaaring magbuo ng charity at hinihikayat ang mga miyembro na maging aktibo sa kanilang kumunidad. Samantala, ang sosyal fraternities na ito ay madalas nayayamut ng sistemang pagbabahagi na minsan ay humantong sa pang-aabuso, kapahamakan at maging sa ikasisira ng buhay at kinabukasan.

Ang Propesyonal Fraternities at sororities ay sumasaklaw ng mga kasaping kumukuha ng mga natatanging larangan gaya ng engineering, psychology at medicine. Ang pagpili ng mga kalahok ito ay bukas sa sinuman; babae at lalake. Ang mga pangkat na ito ay tumutulong at sumusuporta sa larangan ng edukasyon at kaunlarang propesyon ng miyembro. Ang pinakamalaking saklaw ng propesyonal fraternities ay ang Beta Alph Psi (accounting), Delta Sigma Pi (business) at Phi Delta Phi (abogasya).

Ang Akademik fraternities at sororities ay kumikilala at humihikayat ng mga matagumpay sa akademika at pamumuno. Ito ay bukas sa sinuman; babae at lalake. Tinatayang may 110 uri sa organisasyong ito. May pangkat na bukas sa anumang kurso at mayroon ding sumasaklaw lamang ng kawani sa larangan ng edukasyon at dyornal. Ang Phi Kappa Phi, na sumasaklaw lamang ng mga miyembro sa mga junior at senyor sa kolehiyo na nangunguna sa larangang akademya. Ang Phi Eta Sigma, national honor ng mga freshmen sa kolehiyo at Phi Beta Kappa na sumasaklaw sa mga magsisipagtapos na mag-aaral.

At ang Service fraternity na nagtatakda ng mga serbisyo sa kumunidad at maging sa mga taong nabaon sa kahirapan.

Ika ng nila, "No man is an island", mas mapadali ang pagkamit sa isang bagay kung marami, sama-sama at tulong-tulong, na siyang isa sa mga layunin ng fraternity at sorority na sabi pa nga ay "kapatiran". Subalit, ito ba'y isang mabisang hakbang ang pagsali sa pangkat kapatiran upang mapadali ang pagkamit ng isang mithiin?

Nawa'y maging matatag tayo sa pagharap sa anumang dagok ng buhay.


Posted by:

Serlyn Villa

Wednesday, October 15, 2008

May epekto ba sa pag-aaral ang pagsali sa isang organisasyon tulad ng Fraternity o Sorority?

Alam natin na ang Fraternity at Sorority ay matagal nang laganap sa buong mundo. Ang kadalasang kasapi sa organisasyong ito ay mga istudyante. Kaya naman pumasok sa isipan ng lahat ng tao kung may masamang epekto ba ito sa pag-aaral ng mga kabataang kasapi sa organisasyon? Sa tingin ko, hindi ito nagdudulot ng masamang epekto sa mga istudyanteng kasapi sa fraternity o Sorority. Ang pagsali nila sa organisasyong ito ay mas nakakatulong pa sa kanilang pag-aaral. Naging scholar pa sila at naging mataas ang kanilang grado dahil nagiging interesado sila sa pag-aaral at pag eenrol sa mga tutorial pag nahuhuli sila sa klasi. Pinaparusahan kasi sila pag mababa sa minimum ang kanilang grado. Maraming fraternities din na inaantay muna nila ang resulta ng kanilang grado bago mag initiate sa mga bagong kasapi ng kanilang grupo.

Kaya napatunayan na hindi lahat ng ginagawa ng isang fraternity o sorority ay nakakasama sa isang tao. Pero alam natin na lahat ng tao ay may kanya kanyang opinion tungkol sa usaping ito. Kaya naman, kayo na ang bahala kung gusto nyo pangsumapi sa ganitong klasing organisasyon sa kabila nang lahat ng mga pangyayaring nagaganap at nababalitaan sa ating kapaligiran at sa buong bundo. Kinakailangan nyo lang pumili ng tamang grupo na kakaibiganin dahil hindi lahat pareho ang kanilang intensyon. Ayon nga sa kasabihan "Pumili ng tamang taong mapagkakatiwalaan".

by: Toledo, Ivy Ann II-C

"ANG PAGSISISI AY LAGING NASA HULI"

Importante ba ang fraternity? Bakit maraming mga kabataan ang naiingganyong sumali dito? Ano ba ang halaga ng fraternity gayong mas natutuonan pa ito ng mag pansin ng mga kabataan kaysa sa mabuting pag-aaral? Maraming mga katanungan sa isip ko kung bakit ito may importansya sa pamumuhay ng mga kabataan sa ngayon o maging sa hinaharap...Ano pa kaya ang maiidulot nito sa pagdating at paglipas ng panahon?
Basi sa mga nasagap kong impormasyon at sa aking pagsasaliksik, "Ang fraternity ay galing sa salitang latin "Frater" na ang ibig sabihin ay kapatiran, tinutukoy nito ang pormal na organisasyon at pagkakapatiran ng isang grupo. Noon mga lalake lamang ang sumasali sa mga ganitong organisasyon pero habang tumatagal pati mga babae ay sumasali narin at ang tawag sa kanila ay "sorority" na hango sa mga babae lamang...
Lahat tayo'y alam ang kahahantungan kapag sumali sa FRATERNITY o SORORITY at kahit ano pang nga organisasyong may kinalaman dito. Walang tangang tao ang papasok dito kung hindi nila alam ang kanilang hahantungan. May dalawang taong nag-alok sa akin na sumali sa sinabing organisasyon. Kaya nila ako inalok dahil sa isang damit na aking sinuot na hindi ko alam na ito pala'y may malawak na kahulugan sa kanila. Unang pagbati nila sa akin ay Gang may organisasyon ka ba? Sabi ko naman wala po, bakit? Sabi nila sali ka sa organisasyon namin. Sabi ko naman, ay bawal sa akin ang sumali sa ganyan kasi bago ako tumuntong nang syudad nag-usap na kami ng mga magulang ko na bawal akong pumasok sa ganyang mga organisayon. Sabi naman nila, huwag kang mag-alala wala nang hazing ngayon, sa organisasyon kasi namin ipinapatupad na ang pagtatanim at kung anu-ano pang gawaing mas nakabubuti kaysa sa naunang alituntunin. Nangyari ang mga pangyayaring ito nang masimulan kong magtanong at magsaliksik sa nasabing paggawa ng blog para sa ating Retorika sa Filipino 3.
maliban sa mga katanungan at opinyon ko, sa mga pangyayaring iyon napaisip ako, maraming mga bagay'ng nagagawa ang ganitong mga organisasyon, mga pangyayaring na noon ay mas makabuluhan kaysa sa pagpapatakbo nang mga organisasyon ngayon, at mga pangyayaring mas nababibigyan ng magandang tuon. Minsan kasi hindi natin naiiwasan na ikumpara ang ating sarili sa kung sino mang tao na mas nakakataas pa sa atin. Sumasali tayo sa isang bagay na minsan nakakalimutan nating tingnan at isipin ang masamang epekto na midudulot nito. Kaya nasasabing "ANG PAGSISISI AY LAGING NASA HULI".

SHEILA A. FONTILLAS II-C

Fraternities MakaKAbuti ba o Hindi?

Makakabuti ba o Hindi yan ang tanong ng marami. Maraming nag lalabasan na balita na ang mga fraternities ay ng dudulot ng hindi mabuti sa kapwa nila kasamahan dahil dito marami ang against saganitong mga groupo. Ngunit marami sa ilan nating mga kabataan na nag aaral lalong lalo na ang mga nag aaral sa kolehiyo ang nag sasabing di sagabal o hindi nakakagulo ang pag sali sa mga fraternities. Sinasabi nga ng ilang kabataan ito daw ang ng tutulong sa kanila pag dating ng panahon pag nanganga ilangan sila ng tulong. Sa kanila ng galing ang word na kapatiran isang groupong nag tulong-tulong para sa kanilang samahan upang ipakita na sila ay buo.

Sa kabilang banda andon naman ang mga ng sasabi na hindi ito naka dudulot ng mabuti dahil marami nga sa mga pahayagan at sa television ang ng sasabing nakakasira ito sa buhay ng isang kabataan. Maraming kabataan ang ng bigay hinanaing bakit pakialangan silang saktan bago makapasok sa isang groupo? Bakit pa sila kinakailangang pahirapan kong brothers and sisters ang turingan? Sa tawagan palang daw ay mag kapatid ngunit bakit sila gumagawa ng kamalian? Sa katunayan nga ibinalita kamakailan lang ang pagkamatay sa isang istudyante na nag aaral sa UP kinukwistyon ang groupo ng SIGMA RHO fraternity kong bakit iyon ng yari. At hangang ngayon wala paring katarungan at katotohanan na lumalabas. Saan na ang justice? Sa tingin parin ba ninyo nakakabuti ba ang pag sali sa mga fraternities group?

At sa akin naman nakikita kong walang maidudulot na kabutihan ang pag sali sa isang fraterniteis group. Una nakikita ng ilan at marami na ang nakakaranas ng mga maling gawain ng groupo. Isa sa tanong ko sa mga kabataang involved dito bakit kailangan panilang saktan ang isang taong ang hangarin lamang ay sumali sa kanilang groupo? Bakit panila pinapahirapan kong ang kailangan nila ay isang kapatid? Bakit nila ito ginagawa na sakabilang banda hindi ba nila naiisip ang kinalalabasan ng mga ito? Marahil din siguro nagagawa nila ito dahil may pumuprotekta sa kanila at hindi sila natatakot sa ating pulisya...Kabataan nasa inyo ang huling desisyon..

post by: Baer, Kareen Mae A.
II-C

Nakakatulong ba sa isang mag aaral ang pagsali sa isang fraternity?

Karamihan sa mga mag aaral ngayon ay naguguluhan kung ano ba talaga ang maidudulot sa pagsali ng isang organisasyon tulad ng fraternity at sorority. Pero para sa akin ay dalawa lamang ang maidudulot na resulta sa pagsali mo sa nasabing organisasyon ito ay ang mga makakasama o makabubuti.

Tulad na lamang sa mga balibalitang ating napapanood sa telebisyon na mayrong nababawian ng buhay dahil sa pag sali lamang sa isang organisasyon.Ang mga kadahilanan sa pagkawala ng kanilang mga buhay ay ang mga sumusabrang inosasyon ng pinuno sa sinalihan kanilang oraganisasyon.

Ngunit mayroon naman itong mabuting maidudulot sa isang mag aaral, ito ay ang pagkakaroon mo ng isang kaibigan at karamay sa panahon ng iyong kagipitan. At mayroon din namang mga grupo ng isang fraternity at sorority na aking nakikita na tumutulong sa ating kumunidad sa oras ng pangangailangan tulad na lamang ng Alpha Philippine Omega fraternity na bukas pusong tumulong sa isang nasunugang lugar dito Davao.

Kaya ang maipapayo ko lang sa mga kapwa ko mag aaral ngayon, na may balak sumali o pumasok sa sa nasabing organisasyon ay pag isipan nyong mabuti kung may mabuti ba itong maidudulot sa inyong sarili.

post by:julanie baer blk 2c

Matawag ba na isang kapatiran kung ginagamitan ito ng isang marahas na pamamaraan.?

Matatawag ba na isang kapatiran ang isang fraternity o sorority ang isang organisasyon kung ginagamitan ito ng isang marahas na pamamaraan?.Sa pagsali sa ganitong klaseng kumunidad makakakilala ka ng ibat-ibang klaseng tao na may ibat-ibang personalidad ngunit may parehong gusto at mga interest,dito mabubuo ang pagkakaibigan at na sa ibang organisasyon ay di mo makita o sa madaling salita ang pagkakaroon ng brotherhood at sisterhood.Ngunit matatawag mo ba ito na brotherhood o sisterhood kung ang paraan sa pagsali ay sa isang marahas o isang bangongot na paraan.May mga estuyante na sumasali sa ganitong klaseng kapatiran,ngunit ano ang kanilang napapala?Ang iba ay nawala ang mga pangarap sa buhay lalo na ang mga magulang ng mga mag-aaral na sumasali dito.Sa pagkat gumigising na lang sila na wala na ang kanilang mga anak kumbaga nawalan ng buhay dahil sa hazing.Hindi lamang mga magulang ang naghihinayang sa mga buhay na nakalas sa walang kwentang bagay pati na rin ang mga taong nakakakilala sa isang biktima o mga kaibigan.Pero wala tayong pwedeng masisi sa ganitong mga pagyayari.Para sa akin hindi ko matawag na kapatiran ang isang organisasyon sa pagkat hindi tama na kumitil ng buhay ng may buhay dahil hindi sila ang may ari nito at hindi sila ang may gawa.

maden joyce baer II-c

Ano nga ba ang pinagdadaanan ng mga kasapi sa fraternity at sorority? by escoba, sherly mae gruop 4 II-c

Ito ang gumogulo sa isip ko kung bakit marami ang sumasali sa frternity at sorority. Ano nga ba ang kanilang pinagdadaanan bago mapabilang sa samahan? ito ba ay nakakapagpaunlad sa ating kataohan? pinahahalagan ba ng Master mo ang buhay mo? itoy ilan lamang sa mga tanong na kahit na alam na natin ang sagot ay binabalewala lang sa ng ilan.

Tinatawag nilang "Master" ang napabilang na sa samaha, kung ikaw ay baguhan sa samahan kailangan mo mo ng patunayan sa iyong master na karapatdapat ka, kailangan mo munang dumaan sa butas ng karayom bago ka nila tatawaging "brod" at "sis".

apat na buwan mong paglilingkuran ang master mo, tahat ng kanyang utos ay susundin mo, pupunta ka sa bahay nya ay maglilinis ka ng kwato nya at maglalaba. Sa paaralan ay uutosan ka nila ng kung anu-ano na kung hindi mo makaya ang tindi ng pagkahiya ay malamang sa mental ka pupunta.

Pagkatapos ay papaloin ka nila, una ay isang palo hang sa 20 o 30 palo at kung malalampasan mo ito ay mapapabilang kana sa samahan. pero hindi dito ng tatapos ang kanilang paghihirap kaingan pa nilang maghanap ng bagong kasapi at sila naman ang tatawaging "master".

O! sasali ka ba? makakaya mo ba ang mga pagsubok para lang mapabilang sa samahan? itataya mo ba ang buhay mo para mapatunayan ang iyong katapatan sa samahan? pag-isipan mong mabuti baka ikaw naman ang paglalamayan ng iyong mga tinuturing mga kaibigan. But di ka na lang mamuhay ng tahimik at masaya kasama ang iyong pamilya, kaibigan at iba pa. by escoba, sherly mae a.

Maganda bang sumali sa isang fraternity o sorority?

Maganda nga bang sumali ang isang taong sa mga fraternity at sorority? Marami nang mga estudyante ngayon ang sumasali sa mga fraternity at sorority dahil nga sa sinasabi nilang Brotherhood at Sisterhood. At upang madali raw makapasok sa trabaho. Para sa akin sumasali ang isang tao sa fraternity at sorority ay maaaring kailangan nila ng grupo na pede silang damayan. Meron ding iba na napipilitan lang na sumali dito dahil wala na silang magawa. Pero meron din talagang mga tao na sumasali dito upang maitago ang kanilang kahinaan at kakayahan sa isng bagay lalo na kung sila ay kulang sa pagmamahal na kanilang gustong maramdaman mula sa pamilya o ano pa. Pero ang pagsali sa ganitong grupo o organizasyon ang maaring maiwasan dahil hindi naman ito solusyon sa ating mga dinadalang problema kung meron man. Para sa akin hindi maganda ang pagsali sa isang fraternity dahil hindi mo alam kung ano ang iyong kahahantungan sa pagsali dito tulad na lang nung isang binatang namatay dahil sa kanilang hazing. At marami na ring miyembrong naaabuso dito at sinasaktan upang masukat ang kanilang tiwala o hangarin sa pagsali dito. At naapektuhan pa ang kanilang pag-aaral dahil dito. Bukod sa mga sumasali dito ay maaari ring maapektuhan ang kanilang mga magulang at komunidad dahil sa kanilang mga gingawa.

Kaya para sa akin hindi maganda ang pagsali sa isang grupo ng fraternity at sorority dahil hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari sa iyo kapag ikaw ay kasapi na sa kanila. Pero nasasainyo parin ang desisyon kung itoy nakabuti o nakakasama sa inyo. Tiyakin niyo lang nang mabuti kung talaga nga bang mabuti ang kanilang hangarin sa pagbuo ng ganitong grupo. At siguraduhin niyong wala kayong nasasaktang ibang tao.

judy mae moradas II-C

Advantages at Disadvantages sa Pagsali sa Fraternity at Sorority

Walang masama sa pagsali sa fraternity at sorority.Ito ang iniisip ng bawat studyanteng nagbabalak pumasok sa organisasyong ito.Puro positibo kasi ang iniisip nila maliban nalang sa madadamang sakit kapag acceptance na.
Pero sa pagsali sa mga organisasyong ito merong advantages at disadvantages.
Ang advantages,matutulungan ka nila sa panahon ng kagipitan o di kaya namay kailangan mo talaga ng tulong dahil gipit na gipit ka na. Meron akong kakilala na miyembro ng isang fraternity.Sabi niya malaki daw ang utang na loob niya sa organisasyong ito dahil noon dawng naospital ang kanyang ina dahil inatake sa puso at wala silang pera para sa mga gamot tinulungan daw siya ng organisasyong ito.Ito ay isang katibayan na merong advantages sa pagsali sa organisasyong ito.
Pero ngayon talakayin naman natin ang mga disadvantages.Alam nating lahat na masama ang mga kinalalabasan minsan sa pagsali sa organisasyong ito.Ang iba namamatay dahil hindi nakakayanan ang sakit during hazing.Hindi lamang iyon, pati pangarap ng magulang gumuguho rin kapag namamatay ang isang tao dahil lamang dito.
Sana naman naiisip ng mga studyanteng sumasali sa fraternity ang mga disadvantages.Huwag tayong maging kampante sa mga advantages. Baka kasi hindi na maapreciate iyon kung wala ng buhay ang taong umaasa sa positibong epekto sa pagsali sa fraternity at sorority.

OFIANGA,RUBY CONCEPCION S.

kapatiran o kapahamakan nga ba ang makukuha sa pagsali sa fraternity at sorority

Saturday, October 4, 2008

EPEKTO NG FRATERNITY






TOTOO ba na ang sumpaan ng kapatiran ay hanggang kamatayan? Ganyan ba ang nagaganap ngayon sa ilang fraternity sa bansa?Dapat nga bang ipagpapatuloy ang ang sumpaang ito kahit na may buhay na nakataya?

Kamakailan lang,sa mga balita aking nasagap at nakita sa telebisyon napatay ni RJ Moreno ng grupong AKHRO si Kyle Lomibao ng Tau Gamma sa mismong harapan ng bahay nito. Ang itinuturong dahilan? Alitan sa pagitan ng dalawang frat.

Bumulusok ang bilang ng mga kaso ng rambol at barilan sa buong probinsya. Kaya naman ang pulisya, gumawa ng panukalang ideklara ang mga fraternities na kriminal!kung ating maririnig sa mga radyo at makikita sa mga telebisyon pumapangalawa ang isyu tungkol sa alitan ng iba't ibang grupo, maging sa mga pahayagan ay talamak ang isyung ito.

Natunghayan ko sa telebisyon ng pinasok ni Sandra Aguinaldo ng I-Witness ang mundo ng mga fraternity at gang sa Cebu. Ayon pa sa kanya susundan niya ang mga kaso ng patayan sa pagitan ng Akhro at Tau Gamma at aalamin ang mga saloobin ng mga miyembro tungkol sa nangyayaring frat wars.

Dahil sa away ng AKHRO at Tau Gamma, nabuo ang mga gang tulad ng Bloods at Crips. Kung dati-rati, sa sayawan sa kalye lang sila naglalaban, ngayon, rambulan na ang kadalasan nilang gimik sa lansangan na minsay may nabubuwis nang buhay.

Akin ring nasaksihan ng sinamahan ni Sandra ang Akhro sa kanilang ritwal, kung saan sinusunog ang gilid ng pulso bilang simbolo ng panghabambuhay na pagiging miyembro ng grupo. Ipakikita rin ng isang fraternity ang initiation o paraan para makapasok sa grupo, kung saan pinapalo ng paddle ang mga aplikante ng lagpas walumpung beses!At halos mamilipit na sa sakit, maihahalintulad pa sa isang talong ang kulay nang mga binti.

Makikilala rin sa I-Witness ang mga miyembro ng Bloods, mga kabataang edad 14 hanggang 17, na aminadong naging patapon ang mga buhay dahil sa pagsali sa grupo. Tumatambay hanggang madaling-araw, armado ng mga ice pick at baril, umiikot ang grupo sa iba't ibang lugar na ang tanging hanap ay rambol sa kaaway na gang. Naisip ko tuloy masaya kaya sila kung may nasasaktan na silang tao?siguro oo, sapagkat hindi naman siguro nila ipagpapatuloy ang ganitong gawain kung hindi diba?ganito na ba talaga ang mundo natin ngayon?

Fraternity. Sorority. Kapatirang maituturing ngunit tila nalilihis ng landas. Kamakailan din, narinig ko sa radyo na isang myembro ang naging biktima ng pananakit matapos magpasyang tumiwalag. Ilang latay ng sinturon at paddle ang humagupit sa batang katawan at ngayo'y nagpapagaling sa mga natamong pasa at pamumuo ng dugo. Gaano nga ba kahalaga ang mga "initiation rites" o mas kilala sa katagang "hazing" sa isang kapatirang organisasyon? sinasabing pinapatibay nito ang bigkis ng kapatiran, ng samahan. Subalit, maituturing nga bang kapatiran kung buhay ang nakasalalay? ilang kabataan na nga ba ang nasawi mula sa marahas na pagpapatupad nitong barbarong tradisyon? ilang insidente na ba ng bayolenteng sagupaan ang kinabibilangan ng mga away-frat? kabutihan nga ba o pawang kapahamakan ang dulot ng samahan?kailan ko kaya maririnig mula sa mga pahayagan na may naidulot namang kabutihan ang fraternity sa ating komyunidad?

Maganda ang pangunahing layunin subalit taliwas ang pagpapatupad ng ilan. Handa nga bang itaya ng kabataan ang buhay mapabilang lamang sa isang grupo? para saan? tunay na marami rin namang may tunay na layuning matuwid at nangangalaga sa kapakanan ng mga kasapi, subalit maraming higit ang nalilihis. Ayon sa batas ng Pilipinas, bawal ang anumang uri ng hazing (Republic Act No. 8049 - Anti-Hazing Law). Kaya dapat lang sigurong bigyan ng parusa ang mga fraternity na lumalabag na sa batas o masasabing kumikitil na ng buhay!

Sa mga artikulong ating nabasa tungkol fraternity makikitang may mga epekto talaga ang fraternity sa ating lipunan lalong-lalo na sa mga kabataang sumasali dito. Sa pagdaan ng panahon dumarami lalo ang tinatawag na fraternity at dumarami rin ang mga taong nalilihis ang landas. Sa ngayon imbis na makatulong, ito pa ang siyang nakakasira sa kinabukasan. Dapat na tayong magising sa katotohanan na sa ating henerasyon ngayon inaabuso na ng iba at ginagamit sa masama ang fraternity.





GUMAHIN, Anabel
II-C

Thursday, August 28, 2008

BROD KA BA? (Ito ay hango sa salaysay ni John Wilbert de Guzman na taga UST) --Mitos G. Milana II-Block C--

Niño Calinao; Lenny Villa; Cris Anthony Mendez.

Kilala mo ba sila? Ako oo. Pero hindi ko sila close ah. Hindi ko rin sila mga papaness. Kasi po, patay na po sila. Silang tatlo ay biktima ng epekto ng Fraternity o Kapatiran.

Una kong nabasa ang istorya ni Niño Calinao sa Linking the World through English IV book ko na siyang libro ko sa English nung 4th year high school ako. Si Niño Calinao ay estudyante ng UP. Ang pamilya nya ay kapos sa buhay kung kaya't siya ay nagsisipag mag-aral. Meron pa ngang oras na nag-camping sya sa Sunken Garden para yung pamasahe nya sana pauwi ay magagamit nyang almusal kinabukasan. Sa kasamaang palad, nabiktima si Niño ng mistaken identity. Pinatay siya sa pag-aakalang miyembro siya ng kalabang frat ng mga pumtay sa kanya. Honestly, naawa ako kay Niño nung nabasa ko yung kapiranggot na yugto ng buhay niya. Siguro kasi, sayang. malay mo, since 1991 pa nangyari yon, Senador na sya ngayon at wala nang corruption sa Pilipinas dahil sa kanya. Isang promising na tao, sinayang dahil lang sa Frat War.

Si Lenny Villa ay graduating student ng Ateneo Law School. Biktima sya ng hazing. Actually merong batas against hazing. Merong karampatang kaparusahan pag napatunayang ginawang initiation ang hazing sa pagpasaok sa isang organization. Kasama sa Right to organize ang pag buo ng mga organizations. Kaya hindi pwedeng idecree ng pamahalaan na iabolish ang mga Fraternity at Sorority. Unfortunately for Lenny, nung panahon nya wala pa ang batas against hazing. Too bad. Sana as a lawyer, he could've known better.

September 2007, pumutok ang balita na meron nanamang namatay dahil sa hazing. Isa na namang UP student sa katauhan ni Chris Mendez. Graduating student din siya. Panganay sa dalawang anak. Ang tatay nya mekaniko sa Qatar. Ginagapang silang pamilya na naiwan dito sa Pilipinas. Si Chris na sana ang pag-asa ng pamilya, siya ang bread-winner. Pero katulad nung kina Lenny at Niño, nasayang din sya. Sa nabasa ko, narinig, at napanood, mata lang daw ang walang latay sa katawan ni Chris. Punong puno ng pasa at maga ang buong katawan nya. Merong animation na ni-flash sa screen nung binabalita yun, nihaha-highlight yung mga body parts nya na talagang severe yung bruises. Pati yung mukha nya meron din eh! My God! Kung ako mag-o-autopsy sa kanya, feeling ko maiiyak ako.

Napanood ko ulet kagabi yung episode ng Kapuso mo, Jessica Soho tungkol dun sa Hazing. Grabeh ang visuals talaga, nakablur lang yung mukha. Pero grabeh. Pag pumapalo, bumebwelo pa. Tapos, yung isang neophyte na si Grace, babae sya ah, pinaluhod, tapos pinagsasasampal, tinatadyakan, sinusuntok sa braso. Tapos nun, pinatayo sya, talagang hinampas sa may baba ng pwetan, Umaray at napaiyak sya! Habang naghuhumyak sa sakit si Grace, tumatawa yung mga “masters” nyang lalake. In her interview with Jessica Soho, pilit na pinagdidildilan ni Grace kay Ms. Jessica na pagmamahal daw yung ginagawa sa kanyang pagpapahirap. Ang sabi pa, “hindi mo matatandaan yung sinasabi nila sayo pag hindi ka sinasaktan.” Kitang kita ko sa mukha ni Ms. Jessica na hindi nya talaga magrasp yung idea ng pagmamahal na yan. Honestly ako rin. Meron naman si Josh, neophyte din, inutusan ng master nya ng kung ano ano, pinagpumping, squatt, duck walk, pinasayaw,at pinakamatindi, pinahalikan at pinadilaan yung rubber shoes nung master! Meron pang instance na tinanong sya ng master nya, “pano kung mamatay ka?” ang sagot ni Josh “Willing po ako master...”

Sorry dear readers pero kelangan ko lang to ilabas. “PUTANG INA MO KA GRACE! TANG INA MO! LECHE KA! PASALAMAT KA AT HINDI NAGALAW ANG BLOOD VESSELS MO! KUNG NAGKATAONG TINAMAAN YAN BALDADO KA! ANO ANG MASASABI MO KAY MS. JESSICA KUNG NABALDADO KA NA?! ANUNG KLASENG PAGMAMAHAL YANG SINASABI MO? IPAMUKHA MO NGA YANG PAGMAMAHAL NA YAN SA MGA NAULILA NINA NIÑO, LENNY AT CHRIS!!! TANG INA!!! SANA ANG ANAK MO MAGING BIKTIMA NG HAZING!!! HA! TIGNAN NATIN YANG PAGMAMAHAL NA YAN!!! TANG INA MO RIN JOSH!!! OK LANG MAMATAY KA DIBA? SIGE AKO PAPATAY SAYO NANG MATIGIL NA YANG KAHIBANGAN MO!!! HINDI KA PINAPAARAL NG MGA MAGULANG MO PARA LANG MANDILA NG SAPATOS NG IBA!!! NAKAKADIRI KA!!!

Sa tingin ko, a more confident person entices a less confident person. And to become in you need to pass the initiation, hence: hazing. Partially, blame must also given to those victims of hazing, because in the first place, if they didn't join such organizations, they will not meet that sad fate. But of course, much more blame must be given to the so called masters of the frat.

Naalala ko nung 1st year high school ako compulsory yung Scouting. Nung nagcamping kami sa Mt. Makiling, meron kaming activity na nakablindfold kami. Pinaglaruan kami. Pinasayaw, pinakanata pinagmukhang tanga. Katulad nung command sa akin, kumanta daw ako ng happy birthday habang sumasayaw ng laban o bawi. Meron akong narinig sa tabi ko na pinagcommand na “act like a chicken”. *obviously si Sir Smith yun, isang higher officer* Hanggang ngayon hindi ko sya makalimutan, dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha yung rationale kung baket kelangan namin gawin yon, at kung anong koneksyon nun sa scouting.

Para saken, walang pinagkaiba ang scouting sa fraternity. Pareho kasi silang may superiors. Ibig sabihin merong mataas na tao sa akin kung hindi ako ang pinakamataas. Merong mag-uutos sa akin, na kailangan kong sundin, kasi yun ang Oath na ginawa ko.

Hindi ko na kailangan pa yang mga frat frat at scouting na yan. Meron na akong mga kaibigan. Meron akong BnBp family nung high school ako. At ChE batch 2010, at ang CSC family ngayong college na ako. Hindi rin naman kasi uso ang Frat sa course ko na Chemical Engineering. Madalas kasi, para makapasa sa board, sumasali sila sa frat. Usually para yun sa mga post graduare degrees like Law, Medicine, etc.

Baket nga ba sila sumasali sa Frat? Dahil wala daw iwanan pag nasa loob ka na. Tutulungan ka nila, hindi lang sa loob ng ng iskwelahan kundi ang mahalaga pag nasa labas kana. Madali kang makakapasok sa trabaho. Meron ka agad mahihingan ng tulong pag may problema ka.

Honestly, minsan din akong nagging beneficiary ng isang frat. Yung Kuya Argie ko ay miyembro ng Phi Sigma Gamma ng Fraternity sa Faculty of Medicine and Surgery ng UST. Nung nagkasakit ako, nahospitalize ako for 1 and a half day, at nag Doctor ko ay isang Consultant tapos walang bayad. Benefits daw yun ng pagiging “brod”. Bali ang binayaran lang namin ay yung room lang, nothing more.

Nung neophyte pa si Kuya, nakaranas din sya ng Hazing. Buti nalang mga doctor na yung pumalo sa kanya, alam nila kung anong magiging epekto pag nagkamali sila. Naawa ako sa mother ko nun. Iyak yun ng iyak nung umuwi si Kuya na puro pasa sa katawan. Masyado pa akong bata nun kaya hindi ko pa naintindihan masyado yon. Pero nakatatak sa isip ko, kung pano umiyak si mother dear, at kung anong itsura ng isang parte ng katawan na namamaga at may pasa na kulay ube.

Meron nakapagkwento sa akin nung pumunta ako sa isang Human Rights Seminar on Youth ng Amnesty International, na pag miyembro ka dawn g Frat tapos, yung examiner mo sa board or bar eh miyembro ng Frat mo, sure ball pasado ka na daw. Hindi ko sya naconfirm. Pero I doubt na yung ibang tao na nakapasa ng board or bar. Pumasa ba sila dahil deserving sila? O pumasa sila dahil Brod sila?

In the case naman of my Kuya, deserving yun. I know his capabilities and weaknesses, and I know for a fact na he’s a great doctor.

Nakakalungkot talaga ang nangyari sa mga taong ito. Kaya’t kasama ng mga pamilya at kaibigan nina Niño, Lenny, Cris at iba pang biktima ng epekto ng Fraternity. Isinisigaw ko din. KATARUNGAN SA MGA BIKTIMA NG FRATERNITY!!!!

Monday, August 25, 2008

DAPAT NGA BANG I-BAN ANG FRATERNITY AT SORORITY?(group 2)

Ang fraternity at sorority ay may masama at mabuting maidudulot sa bawat taong sasali sa ganitong grupo.Sa ganitong sitwasyon hahayaan paba nating may masamang mangyayari sa atin bago tayo magdesisyon?
Para sa amin,dapat lamang na i-ban ang fraternity at sorority dahil nagdudulot ito ng problema sa mga kabataan at estudyanteng may malaking plano sa kanilang hinaharap.Hindi naman namin sinasabi na masama ang pagsali sa ganitong grupo, kaya lang sa mga nasagap at napanood namin sa telebisyon at mga balita tungol sa fraternity at sorority meron talagang malaking porsyento na magdudulot ito ng problema sa mga magulang at maging sa mga taong sasali sa ganitong grupo.Meron kaming mga taong nakapanayam at sinabi nila na dapat lang daw na i-ban ang ganitong grupo kasi wala daw magandang makukuha o mapupulot dito.Maraming nagsasabi na brotherhood at sisterhood!sa ganitong pagkakapatiran wala daw silbi ito.Paano pa natin masasabi na brotherhood at sisterhood kung marami parin sa ngayon ang nagdurusa dahil sa hazing na kanilang ginagawa.Kagaya nalang nung UP student na namatay kamakailan lang dahil sa inisasyon, sa ganitong sitwasyon alam na natin na nagdudulot talaga ito ng gulo at pasakit sa mga magulang ng mga nasasangkot sa ganitong grupo.
Para sa inyo ano nga ba ang dapat gawin?i-ban nga ba ang fraternity at sorority at bakit?

Ano nga ba ang layunin ng mga estudyante sa pagsali sa mga fraternities at sororities? (GROUP 3)

Isa sa mga maituturing na pinakalayunin ng pagsali ng mga estudyante sa mga fraternities at sororities ay ang kapatiran (brotherhood)o pagkakaroon ng maraming kaibigan.karamihan sa mga kasapi nito, ay tinuturing na pangalawang pamilya ang kanilang mga orgmates na kanilang masasandalan sa oras ng kagipitan. Kaya naman sa kabila ng mga pagsubok o initiation rites na involved dito ay di nila inaalintana. Kadalasan sa mga fraternities at sororities ay may motto na " isa para sa lahat at lahat para sa isa ", kaya naman marami ang nahihimok na sumali dito. Mayroon din namang mga fraternities at sororities na may layuning paunlarin ang komunidad at inisip ang kapakanan ng nakararami, kaya marami rin ang nagiging intresado na sumali dito. Isa rin sa mga kadahilanan ng pagsali ng estudyante sa mga organisasyong katulad nito ay ang mga benipisyong makukuha habang nag-aaral at kapag nakatapos, dahil may mga frat alumni na nagbibigay ng mga skolarship at trabaho para sa mga kasapi nito. May mga fraternities at sororities din na naghahandog ng mga leadership trainings na humuhubog sa personalidad at abilidad ng bawat miyembro ng frat.Maraming mga benipisyong makukuha sa pagsali sa mga fraternities at sororities dahilan na maraming estudyante ang sumasali dito.
Ang inisasyon sa isang fraternity at sorority ay hindi na bago dahil ito ay isang ritwal kung saan sinusubok ang tapang at determinasyon ng mga baguhang miyembro na sumasali dito. Ngunit sa kasamaang palad ay may mga fraternities at sororities na pinaiiral ang mga hazing, kung saan nagaganap ang pang-aabuso at harassment sa mga neophytes na nagreresulta sa mga aksidente.Dahil dito ay ipinagbabawal ang pagpapahintulot ng pagkakaroon ng mga hazing sa mga fraternities at sororities upang maiwasan ang mga kapahamakang maaring maidulot nito.

Wednesday, August 6, 2008

Ano Nga Ba Ang Fraternity At Saan Nga Ba Ito Nagsimula? (group 4 II-C)


Ang fraternity ay galing sa salitang latin Frater na ang ibig sabihin ay kapatiran, tinutukoy nito ang pormal na organisasyon at pagkakapatiran ng isang grupo.
Ang kaibahan ng fraternity sa ibang organisasyon ay ang implikasyon ng myembro sa pagkakaroon ng malayang asosasyon at pantay-pantay na pagkakaroon ng benipisyal na layunin.
Noong una limitado lang ang fraternity sa mga lalaking myembro ngunit habang tumatagal ay sumasali na ang mga babae at ngayon nga ay may tinatawag na tayong sorority na ang ibig sabihin pagkakapatiran ng mga kababaihan.
Ang fraternities ay pwedeng mabuo dahil sa maraming layunin at ang iba ay dahil sa mga tipikal na layunin kasama na dito ang edukasyon sa mga pamantasan, relihiyon, pulitika, at iba pa.

Saan nga ba nagsimula ang fraternity?
Noong panahon ng Griyego at Romano ay may masasabi na tayong mga fraternal na organisasyon na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nananatili. Ang may mga aspetong katulad nito ay tinatawag na Confraternities
na nananatiling kakampi ng simbahang katoliko sa panahon ng Medyebal.
Ang paglago ng Freemasonry o ang tintawag na grupo na merong pagkakatulad sa isang aspeto noong taong 1700 ang naging dahilan ng pagkakaroon ng kritikal na pag-aalsa laban sa praternal na mga organisasyon at merong daan-daang mga freemasonry ang nagsilabasan.
Ang paglago ng grupong ito ay bigla na lamang nagbago sa Amerika dahil ang kalayaan sa pagkakaroon ng asosasyon sa labas ng regulasyon ng gobyerno ay hindi pinapahintulutan ng batas.

Monday, August 4, 2008

FRATERNITY AND SORORITY@GROUP 6

Para sa amin, masasabi namin na may mabuti at masamang epekto ang pagkakaroon ng fraternity at soronity, kung pag-uusapan natin ang negatibong epekto makikita natin nagyon na hindi basta-basta o hindi madali ang pag-sali sa isang grupo, makikita natin na ang iba ay sinusukkat talaga ang kanilang paniniwala sa grupo at kung minsan humahantong pa ito sa imoral na mga pangyayari, minsan may nasasaktan, nauutusan na gumawa ng hindi kanais nais na mga bagay. Ang iba naman yung matagal na o kaya'y siya na nangungulo sa grupo minsan inana-abuso niya ang kanyang pagka-pangulo, mababasa at makikita natin ngayon na ang ibang fraternity ay ginagahasa nila ang mga babaeng baguhan at ang mga lalaki naman ay pinapaso o di kaya'y pinag-papalo.....

Sa kabilang daku naman hindi natin maikukubli na may mabuti ring epekto ang pagkakaroon ng grupo, ang sabi nga ng iba ang mga ka brad daw nila sa grupo ang tumutulong sa kanila sa pag-hahanap ng trabaho. Ang iba naman sinasabi nila na ang kanilang ka brad ang nagproprotekta sa kanila sa mga taong may binabalak na masama sa kanila. Ang iba naman, sinabi nila na sa grupo, doon sila nakakahanap ng kasiyahan at importansya.

Kung susumahin natin ang lahat ng ito, ang pag-laganap ng sorority at fraternity ay dumedepende parin sa tao. depende ito sa tao kung sasali ba siya o hindi, pero kung ako ang tatanungin mas makakabuti na hindi nalang sumali, para pag-dating ng panahon hindi ka mag-sisisi....................

Monday, July 14, 2008

fraternity at sorority: nakakatulong o nakakasama?

Nakakatulong nga ba o nakakasama?
May mga fraternity na ang layunin ay tumulong sa komunidad. Kaso, sa paglipas ng mga panahon ang pumapasok sa utak ng mga tao pag sinabing frat eh connotation nila panay gulo lang na alam naman na mali. May mga fraternity din na may magandagandang misyon, layunin at maging pananaw. Subalit sa paglipas ng mga panahon nasisira ang mga imahe ng ibang mga grupo na may matinong hangarin dulot ng kawalang hiyaang ginagawa ng ibang fraternity lalo na pag ang chapters ay mga kabataan ang ka-brad.
Mabuti nga ba ang pagsali sa faraternity o nakakasama lalo na sa panig ng mga mag-aaral? Marami ang nagsasabi ng "depende." Depende sapagkat may mga fraternity na sadyang may magaganda talaga ang layunin pero sumasama ito pag nasasamahan ng mga pasaway at kalokohan. Kung ang tanong ay nakatulong? Marahil ay "YES" dahil nagkaroon ng confidence di umano ang miyembro ng mga naturang grupo at dahil dito malalaman ang kahalagahan ng isang samahan. Di ka din pwedeng saktan ng mga maangas mong classmates (siguro ay medyo takot). Ngunit sa pagsali ba sa isang fraternity, kasali ba pati ang masaktan gayong ang pangunahing layunin mo lang naman ay magkaroon ng mga kaibigan? Bakit kailangan manakit sa initiation? Dinadaan sa dahas na kung paluin ng paddle, sipain, sampalin, akalain mong parang hayop na pinapatay sa bugbog... May mga iba ring sumasali na napapahiya sa publiko.
Sadyang napakasakit isipin at mahirap paniwalaan na may mga fraterniting sadyang nananakit ng kapwa na naturingan pa namang "kapatiran". Minsan pa nga ay may mga nagbubuwis ng buhay mapatunayan lamang na sila ay nararapoat na maging miyembro ng organisayon.
Ang halos ilang siglong pag-iral ng mga fraternity sa ibat-ibang mga pamantasan sa bansang Pilipinas ay nalambungan ng dugo ng di-iilang buhay na kinitil ng marahas na kulturang umiiral sa mga grupong ito. Sadyang nakapanghihinayang ang pagbabago ng kanilang dati'y maningning na kasaysayan. Nang malikha ang mga ganitong uri ng samahan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mamamayan na isigaw at ihinga ang kanilang mga saloobin tungkol sa mga isyung di nila nagustuhan lalo na aspetong pulitika. Naisusulong nila ang panlipunang pananagutan at paglilingkod sa sambayanan, pagsasanay ng de-kalidad na mga ginoong magiging pinuno upang maging huwarang mamamayan. Sa kasagsagan ng panahon ng aktibismo, maraming mga fraternity ang naging bahagi ng mapagpalayang kilusan. Ang mga fraternity ay naglalayon ding mabigyang laya ang kaisipan ng mga taong bayan at maipagtanggol ang interes ng karamihan.
Aktibo silang nakilahok pagkilos upang makamit ang tunay na kalayaan at demokrasya. Subalit sa kalaunan, karamihan sa mga fraternity ay tila lumingon sa mga dalumat na ipinamana sa kanila ng mga Kanluraning modelo.
Sa ngayon ang fraternity ay unti-unting nagkaroon ng ibang kahulugan. Maibababalik lamang ang kahalagahan ng mga fraternity kung kanilang babalikan at isasabuhay ang mga orihinal nitong layunin, kung muli nilang pahahalagahan ang mga simula nito ay maibabalik ang tiwala ng mga tao. Sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon ng lipunang Pilipino sa ilalim ng isang mabuway na liderato, mas maraming makabuluhang isyu na maaaring pagkaabalahan ng mga fraternity. Higit na mahalaga ang mga usaping ito kaysa sa mga personal na awayan, payabangan, gantihan at mga alitang magkaminsa'y nauuwi sa kamatayan. (Group 5)