Thursday, August 28, 2008

BROD KA BA? (Ito ay hango sa salaysay ni John Wilbert de Guzman na taga UST) --Mitos G. Milana II-Block C--

Niño Calinao; Lenny Villa; Cris Anthony Mendez.

Kilala mo ba sila? Ako oo. Pero hindi ko sila close ah. Hindi ko rin sila mga papaness. Kasi po, patay na po sila. Silang tatlo ay biktima ng epekto ng Fraternity o Kapatiran.

Una kong nabasa ang istorya ni Niño Calinao sa Linking the World through English IV book ko na siyang libro ko sa English nung 4th year high school ako. Si Niño Calinao ay estudyante ng UP. Ang pamilya nya ay kapos sa buhay kung kaya't siya ay nagsisipag mag-aral. Meron pa ngang oras na nag-camping sya sa Sunken Garden para yung pamasahe nya sana pauwi ay magagamit nyang almusal kinabukasan. Sa kasamaang palad, nabiktima si Niño ng mistaken identity. Pinatay siya sa pag-aakalang miyembro siya ng kalabang frat ng mga pumtay sa kanya. Honestly, naawa ako kay Niño nung nabasa ko yung kapiranggot na yugto ng buhay niya. Siguro kasi, sayang. malay mo, since 1991 pa nangyari yon, Senador na sya ngayon at wala nang corruption sa Pilipinas dahil sa kanya. Isang promising na tao, sinayang dahil lang sa Frat War.

Si Lenny Villa ay graduating student ng Ateneo Law School. Biktima sya ng hazing. Actually merong batas against hazing. Merong karampatang kaparusahan pag napatunayang ginawang initiation ang hazing sa pagpasaok sa isang organization. Kasama sa Right to organize ang pag buo ng mga organizations. Kaya hindi pwedeng idecree ng pamahalaan na iabolish ang mga Fraternity at Sorority. Unfortunately for Lenny, nung panahon nya wala pa ang batas against hazing. Too bad. Sana as a lawyer, he could've known better.

September 2007, pumutok ang balita na meron nanamang namatay dahil sa hazing. Isa na namang UP student sa katauhan ni Chris Mendez. Graduating student din siya. Panganay sa dalawang anak. Ang tatay nya mekaniko sa Qatar. Ginagapang silang pamilya na naiwan dito sa Pilipinas. Si Chris na sana ang pag-asa ng pamilya, siya ang bread-winner. Pero katulad nung kina Lenny at Niño, nasayang din sya. Sa nabasa ko, narinig, at napanood, mata lang daw ang walang latay sa katawan ni Chris. Punong puno ng pasa at maga ang buong katawan nya. Merong animation na ni-flash sa screen nung binabalita yun, nihaha-highlight yung mga body parts nya na talagang severe yung bruises. Pati yung mukha nya meron din eh! My God! Kung ako mag-o-autopsy sa kanya, feeling ko maiiyak ako.

Napanood ko ulet kagabi yung episode ng Kapuso mo, Jessica Soho tungkol dun sa Hazing. Grabeh ang visuals talaga, nakablur lang yung mukha. Pero grabeh. Pag pumapalo, bumebwelo pa. Tapos, yung isang neophyte na si Grace, babae sya ah, pinaluhod, tapos pinagsasasampal, tinatadyakan, sinusuntok sa braso. Tapos nun, pinatayo sya, talagang hinampas sa may baba ng pwetan, Umaray at napaiyak sya! Habang naghuhumyak sa sakit si Grace, tumatawa yung mga “masters” nyang lalake. In her interview with Jessica Soho, pilit na pinagdidildilan ni Grace kay Ms. Jessica na pagmamahal daw yung ginagawa sa kanyang pagpapahirap. Ang sabi pa, “hindi mo matatandaan yung sinasabi nila sayo pag hindi ka sinasaktan.” Kitang kita ko sa mukha ni Ms. Jessica na hindi nya talaga magrasp yung idea ng pagmamahal na yan. Honestly ako rin. Meron naman si Josh, neophyte din, inutusan ng master nya ng kung ano ano, pinagpumping, squatt, duck walk, pinasayaw,at pinakamatindi, pinahalikan at pinadilaan yung rubber shoes nung master! Meron pang instance na tinanong sya ng master nya, “pano kung mamatay ka?” ang sagot ni Josh “Willing po ako master...”

Sorry dear readers pero kelangan ko lang to ilabas. “PUTANG INA MO KA GRACE! TANG INA MO! LECHE KA! PASALAMAT KA AT HINDI NAGALAW ANG BLOOD VESSELS MO! KUNG NAGKATAONG TINAMAAN YAN BALDADO KA! ANO ANG MASASABI MO KAY MS. JESSICA KUNG NABALDADO KA NA?! ANUNG KLASENG PAGMAMAHAL YANG SINASABI MO? IPAMUKHA MO NGA YANG PAGMAMAHAL NA YAN SA MGA NAULILA NINA NIÑO, LENNY AT CHRIS!!! TANG INA!!! SANA ANG ANAK MO MAGING BIKTIMA NG HAZING!!! HA! TIGNAN NATIN YANG PAGMAMAHAL NA YAN!!! TANG INA MO RIN JOSH!!! OK LANG MAMATAY KA DIBA? SIGE AKO PAPATAY SAYO NANG MATIGIL NA YANG KAHIBANGAN MO!!! HINDI KA PINAPAARAL NG MGA MAGULANG MO PARA LANG MANDILA NG SAPATOS NG IBA!!! NAKAKADIRI KA!!!

Sa tingin ko, a more confident person entices a less confident person. And to become in you need to pass the initiation, hence: hazing. Partially, blame must also given to those victims of hazing, because in the first place, if they didn't join such organizations, they will not meet that sad fate. But of course, much more blame must be given to the so called masters of the frat.

Naalala ko nung 1st year high school ako compulsory yung Scouting. Nung nagcamping kami sa Mt. Makiling, meron kaming activity na nakablindfold kami. Pinaglaruan kami. Pinasayaw, pinakanata pinagmukhang tanga. Katulad nung command sa akin, kumanta daw ako ng happy birthday habang sumasayaw ng laban o bawi. Meron akong narinig sa tabi ko na pinagcommand na “act like a chicken”. *obviously si Sir Smith yun, isang higher officer* Hanggang ngayon hindi ko sya makalimutan, dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha yung rationale kung baket kelangan namin gawin yon, at kung anong koneksyon nun sa scouting.

Para saken, walang pinagkaiba ang scouting sa fraternity. Pareho kasi silang may superiors. Ibig sabihin merong mataas na tao sa akin kung hindi ako ang pinakamataas. Merong mag-uutos sa akin, na kailangan kong sundin, kasi yun ang Oath na ginawa ko.

Hindi ko na kailangan pa yang mga frat frat at scouting na yan. Meron na akong mga kaibigan. Meron akong BnBp family nung high school ako. At ChE batch 2010, at ang CSC family ngayong college na ako. Hindi rin naman kasi uso ang Frat sa course ko na Chemical Engineering. Madalas kasi, para makapasa sa board, sumasali sila sa frat. Usually para yun sa mga post graduare degrees like Law, Medicine, etc.

Baket nga ba sila sumasali sa Frat? Dahil wala daw iwanan pag nasa loob ka na. Tutulungan ka nila, hindi lang sa loob ng ng iskwelahan kundi ang mahalaga pag nasa labas kana. Madali kang makakapasok sa trabaho. Meron ka agad mahihingan ng tulong pag may problema ka.

Honestly, minsan din akong nagging beneficiary ng isang frat. Yung Kuya Argie ko ay miyembro ng Phi Sigma Gamma ng Fraternity sa Faculty of Medicine and Surgery ng UST. Nung nagkasakit ako, nahospitalize ako for 1 and a half day, at nag Doctor ko ay isang Consultant tapos walang bayad. Benefits daw yun ng pagiging “brod”. Bali ang binayaran lang namin ay yung room lang, nothing more.

Nung neophyte pa si Kuya, nakaranas din sya ng Hazing. Buti nalang mga doctor na yung pumalo sa kanya, alam nila kung anong magiging epekto pag nagkamali sila. Naawa ako sa mother ko nun. Iyak yun ng iyak nung umuwi si Kuya na puro pasa sa katawan. Masyado pa akong bata nun kaya hindi ko pa naintindihan masyado yon. Pero nakatatak sa isip ko, kung pano umiyak si mother dear, at kung anong itsura ng isang parte ng katawan na namamaga at may pasa na kulay ube.

Meron nakapagkwento sa akin nung pumunta ako sa isang Human Rights Seminar on Youth ng Amnesty International, na pag miyembro ka dawn g Frat tapos, yung examiner mo sa board or bar eh miyembro ng Frat mo, sure ball pasado ka na daw. Hindi ko sya naconfirm. Pero I doubt na yung ibang tao na nakapasa ng board or bar. Pumasa ba sila dahil deserving sila? O pumasa sila dahil Brod sila?

In the case naman of my Kuya, deserving yun. I know his capabilities and weaknesses, and I know for a fact na he’s a great doctor.

Nakakalungkot talaga ang nangyari sa mga taong ito. Kaya’t kasama ng mga pamilya at kaibigan nina Niño, Lenny, Cris at iba pang biktima ng epekto ng Fraternity. Isinisigaw ko din. KATARUNGAN SA MGA BIKTIMA NG FRATERNITY!!!!

Monday, August 25, 2008

DAPAT NGA BANG I-BAN ANG FRATERNITY AT SORORITY?(group 2)

Ang fraternity at sorority ay may masama at mabuting maidudulot sa bawat taong sasali sa ganitong grupo.Sa ganitong sitwasyon hahayaan paba nating may masamang mangyayari sa atin bago tayo magdesisyon?
Para sa amin,dapat lamang na i-ban ang fraternity at sorority dahil nagdudulot ito ng problema sa mga kabataan at estudyanteng may malaking plano sa kanilang hinaharap.Hindi naman namin sinasabi na masama ang pagsali sa ganitong grupo, kaya lang sa mga nasagap at napanood namin sa telebisyon at mga balita tungol sa fraternity at sorority meron talagang malaking porsyento na magdudulot ito ng problema sa mga magulang at maging sa mga taong sasali sa ganitong grupo.Meron kaming mga taong nakapanayam at sinabi nila na dapat lang daw na i-ban ang ganitong grupo kasi wala daw magandang makukuha o mapupulot dito.Maraming nagsasabi na brotherhood at sisterhood!sa ganitong pagkakapatiran wala daw silbi ito.Paano pa natin masasabi na brotherhood at sisterhood kung marami parin sa ngayon ang nagdurusa dahil sa hazing na kanilang ginagawa.Kagaya nalang nung UP student na namatay kamakailan lang dahil sa inisasyon, sa ganitong sitwasyon alam na natin na nagdudulot talaga ito ng gulo at pasakit sa mga magulang ng mga nasasangkot sa ganitong grupo.
Para sa inyo ano nga ba ang dapat gawin?i-ban nga ba ang fraternity at sorority at bakit?

Ano nga ba ang layunin ng mga estudyante sa pagsali sa mga fraternities at sororities? (GROUP 3)

Isa sa mga maituturing na pinakalayunin ng pagsali ng mga estudyante sa mga fraternities at sororities ay ang kapatiran (brotherhood)o pagkakaroon ng maraming kaibigan.karamihan sa mga kasapi nito, ay tinuturing na pangalawang pamilya ang kanilang mga orgmates na kanilang masasandalan sa oras ng kagipitan. Kaya naman sa kabila ng mga pagsubok o initiation rites na involved dito ay di nila inaalintana. Kadalasan sa mga fraternities at sororities ay may motto na " isa para sa lahat at lahat para sa isa ", kaya naman marami ang nahihimok na sumali dito. Mayroon din namang mga fraternities at sororities na may layuning paunlarin ang komunidad at inisip ang kapakanan ng nakararami, kaya marami rin ang nagiging intresado na sumali dito. Isa rin sa mga kadahilanan ng pagsali ng estudyante sa mga organisasyong katulad nito ay ang mga benipisyong makukuha habang nag-aaral at kapag nakatapos, dahil may mga frat alumni na nagbibigay ng mga skolarship at trabaho para sa mga kasapi nito. May mga fraternities at sororities din na naghahandog ng mga leadership trainings na humuhubog sa personalidad at abilidad ng bawat miyembro ng frat.Maraming mga benipisyong makukuha sa pagsali sa mga fraternities at sororities dahilan na maraming estudyante ang sumasali dito.
Ang inisasyon sa isang fraternity at sorority ay hindi na bago dahil ito ay isang ritwal kung saan sinusubok ang tapang at determinasyon ng mga baguhang miyembro na sumasali dito. Ngunit sa kasamaang palad ay may mga fraternities at sororities na pinaiiral ang mga hazing, kung saan nagaganap ang pang-aabuso at harassment sa mga neophytes na nagreresulta sa mga aksidente.Dahil dito ay ipinagbabawal ang pagpapahintulot ng pagkakaroon ng mga hazing sa mga fraternities at sororities upang maiwasan ang mga kapahamakang maaring maidulot nito.

Wednesday, August 6, 2008

Ano Nga Ba Ang Fraternity At Saan Nga Ba Ito Nagsimula? (group 4 II-C)


Ang fraternity ay galing sa salitang latin Frater na ang ibig sabihin ay kapatiran, tinutukoy nito ang pormal na organisasyon at pagkakapatiran ng isang grupo.
Ang kaibahan ng fraternity sa ibang organisasyon ay ang implikasyon ng myembro sa pagkakaroon ng malayang asosasyon at pantay-pantay na pagkakaroon ng benipisyal na layunin.
Noong una limitado lang ang fraternity sa mga lalaking myembro ngunit habang tumatagal ay sumasali na ang mga babae at ngayon nga ay may tinatawag na tayong sorority na ang ibig sabihin pagkakapatiran ng mga kababaihan.
Ang fraternities ay pwedeng mabuo dahil sa maraming layunin at ang iba ay dahil sa mga tipikal na layunin kasama na dito ang edukasyon sa mga pamantasan, relihiyon, pulitika, at iba pa.

Saan nga ba nagsimula ang fraternity?
Noong panahon ng Griyego at Romano ay may masasabi na tayong mga fraternal na organisasyon na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nananatili. Ang may mga aspetong katulad nito ay tinatawag na Confraternities
na nananatiling kakampi ng simbahang katoliko sa panahon ng Medyebal.
Ang paglago ng Freemasonry o ang tintawag na grupo na merong pagkakatulad sa isang aspeto noong taong 1700 ang naging dahilan ng pagkakaroon ng kritikal na pag-aalsa laban sa praternal na mga organisasyon at merong daan-daang mga freemasonry ang nagsilabasan.
Ang paglago ng grupong ito ay bigla na lamang nagbago sa Amerika dahil ang kalayaan sa pagkakaroon ng asosasyon sa labas ng regulasyon ng gobyerno ay hindi pinapahintulutan ng batas.

Monday, August 4, 2008

FRATERNITY AND SORORITY@GROUP 6

Para sa amin, masasabi namin na may mabuti at masamang epekto ang pagkakaroon ng fraternity at soronity, kung pag-uusapan natin ang negatibong epekto makikita natin nagyon na hindi basta-basta o hindi madali ang pag-sali sa isang grupo, makikita natin na ang iba ay sinusukkat talaga ang kanilang paniniwala sa grupo at kung minsan humahantong pa ito sa imoral na mga pangyayari, minsan may nasasaktan, nauutusan na gumawa ng hindi kanais nais na mga bagay. Ang iba naman yung matagal na o kaya'y siya na nangungulo sa grupo minsan inana-abuso niya ang kanyang pagka-pangulo, mababasa at makikita natin ngayon na ang ibang fraternity ay ginagahasa nila ang mga babaeng baguhan at ang mga lalaki naman ay pinapaso o di kaya'y pinag-papalo.....

Sa kabilang daku naman hindi natin maikukubli na may mabuti ring epekto ang pagkakaroon ng grupo, ang sabi nga ng iba ang mga ka brad daw nila sa grupo ang tumutulong sa kanila sa pag-hahanap ng trabaho. Ang iba naman sinasabi nila na ang kanilang ka brad ang nagproprotekta sa kanila sa mga taong may binabalak na masama sa kanila. Ang iba naman, sinabi nila na sa grupo, doon sila nakakahanap ng kasiyahan at importansya.

Kung susumahin natin ang lahat ng ito, ang pag-laganap ng sorority at fraternity ay dumedepende parin sa tao. depende ito sa tao kung sasali ba siya o hindi, pero kung ako ang tatanungin mas makakabuti na hindi nalang sumali, para pag-dating ng panahon hindi ka mag-sisisi....................