Wednesday, October 15, 2008

Maganda bang sumali sa isang fraternity o sorority?

Maganda nga bang sumali ang isang taong sa mga fraternity at sorority? Marami nang mga estudyante ngayon ang sumasali sa mga fraternity at sorority dahil nga sa sinasabi nilang Brotherhood at Sisterhood. At upang madali raw makapasok sa trabaho. Para sa akin sumasali ang isang tao sa fraternity at sorority ay maaaring kailangan nila ng grupo na pede silang damayan. Meron ding iba na napipilitan lang na sumali dito dahil wala na silang magawa. Pero meron din talagang mga tao na sumasali dito upang maitago ang kanilang kahinaan at kakayahan sa isng bagay lalo na kung sila ay kulang sa pagmamahal na kanilang gustong maramdaman mula sa pamilya o ano pa. Pero ang pagsali sa ganitong grupo o organizasyon ang maaring maiwasan dahil hindi naman ito solusyon sa ating mga dinadalang problema kung meron man. Para sa akin hindi maganda ang pagsali sa isang fraternity dahil hindi mo alam kung ano ang iyong kahahantungan sa pagsali dito tulad na lang nung isang binatang namatay dahil sa kanilang hazing. At marami na ring miyembrong naaabuso dito at sinasaktan upang masukat ang kanilang tiwala o hangarin sa pagsali dito. At naapektuhan pa ang kanilang pag-aaral dahil dito. Bukod sa mga sumasali dito ay maaari ring maapektuhan ang kanilang mga magulang at komunidad dahil sa kanilang mga gingawa.

Kaya para sa akin hindi maganda ang pagsali sa isang grupo ng fraternity at sorority dahil hindi mo alam kung ano ang pwedeng mangyari sa iyo kapag ikaw ay kasapi na sa kanila. Pero nasasainyo parin ang desisyon kung itoy nakabuti o nakakasama sa inyo. Tiyakin niyo lang nang mabuti kung talaga nga bang mabuti ang kanilang hangarin sa pagbuo ng ganitong grupo. At siguraduhin niyong wala kayong nasasaktang ibang tao.

judy mae moradas II-C

1 comment:

Block IIC said...

Sa tanong na maganda bang sumali sa isang fraternity o sorority, para sa akin depende sa klase ng fraternity o sorority at kung sa tingin mo ay may maitutulong ito sa iyo at hindi naman makadudulot ng masama.Tulad ng pagkakaroon ng mga kaibigan ay bakit hindi.


maden joyce baer-II-c