Monday, July 14, 2008

fraternity at sorority: nakakatulong o nakakasama?

Nakakatulong nga ba o nakakasama?
May mga fraternity na ang layunin ay tumulong sa komunidad. Kaso, sa paglipas ng mga panahon ang pumapasok sa utak ng mga tao pag sinabing frat eh connotation nila panay gulo lang na alam naman na mali. May mga fraternity din na may magandagandang misyon, layunin at maging pananaw. Subalit sa paglipas ng mga panahon nasisira ang mga imahe ng ibang mga grupo na may matinong hangarin dulot ng kawalang hiyaang ginagawa ng ibang fraternity lalo na pag ang chapters ay mga kabataan ang ka-brad.
Mabuti nga ba ang pagsali sa faraternity o nakakasama lalo na sa panig ng mga mag-aaral? Marami ang nagsasabi ng "depende." Depende sapagkat may mga fraternity na sadyang may magaganda talaga ang layunin pero sumasama ito pag nasasamahan ng mga pasaway at kalokohan. Kung ang tanong ay nakatulong? Marahil ay "YES" dahil nagkaroon ng confidence di umano ang miyembro ng mga naturang grupo at dahil dito malalaman ang kahalagahan ng isang samahan. Di ka din pwedeng saktan ng mga maangas mong classmates (siguro ay medyo takot). Ngunit sa pagsali ba sa isang fraternity, kasali ba pati ang masaktan gayong ang pangunahing layunin mo lang naman ay magkaroon ng mga kaibigan? Bakit kailangan manakit sa initiation? Dinadaan sa dahas na kung paluin ng paddle, sipain, sampalin, akalain mong parang hayop na pinapatay sa bugbog... May mga iba ring sumasali na napapahiya sa publiko.
Sadyang napakasakit isipin at mahirap paniwalaan na may mga fraterniting sadyang nananakit ng kapwa na naturingan pa namang "kapatiran". Minsan pa nga ay may mga nagbubuwis ng buhay mapatunayan lamang na sila ay nararapoat na maging miyembro ng organisayon.
Ang halos ilang siglong pag-iral ng mga fraternity sa ibat-ibang mga pamantasan sa bansang Pilipinas ay nalambungan ng dugo ng di-iilang buhay na kinitil ng marahas na kulturang umiiral sa mga grupong ito. Sadyang nakapanghihinayang ang pagbabago ng kanilang dati'y maningning na kasaysayan. Nang malikha ang mga ganitong uri ng samahan, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mamamayan na isigaw at ihinga ang kanilang mga saloobin tungkol sa mga isyung di nila nagustuhan lalo na aspetong pulitika. Naisusulong nila ang panlipunang pananagutan at paglilingkod sa sambayanan, pagsasanay ng de-kalidad na mga ginoong magiging pinuno upang maging huwarang mamamayan. Sa kasagsagan ng panahon ng aktibismo, maraming mga fraternity ang naging bahagi ng mapagpalayang kilusan. Ang mga fraternity ay naglalayon ding mabigyang laya ang kaisipan ng mga taong bayan at maipagtanggol ang interes ng karamihan.
Aktibo silang nakilahok pagkilos upang makamit ang tunay na kalayaan at demokrasya. Subalit sa kalaunan, karamihan sa mga fraternity ay tila lumingon sa mga dalumat na ipinamana sa kanila ng mga Kanluraning modelo.
Sa ngayon ang fraternity ay unti-unting nagkaroon ng ibang kahulugan. Maibababalik lamang ang kahalagahan ng mga fraternity kung kanilang babalikan at isasabuhay ang mga orihinal nitong layunin, kung muli nilang pahahalagahan ang mga simula nito ay maibabalik ang tiwala ng mga tao. Sa gitna ng kasalukuyang sitwasyon ng lipunang Pilipino sa ilalim ng isang mabuway na liderato, mas maraming makabuluhang isyu na maaaring pagkaabalahan ng mga fraternity. Higit na mahalaga ang mga usaping ito kaysa sa mga personal na awayan, payabangan, gantihan at mga alitang magkaminsa'y nauuwi sa kamatayan. (Group 5)

27 comments:

Block IIC said...

huwag maging mapanghusga sa mga taong miytembro ng mga fraternity sapagkat di natin natin alam ang kanilang tunay na layunin. Ang mabuti ay kilalalning mabutia ng bawat kasapi ng fraternity at ang tukuyin ang kanilang propaganda upang maging epektibo ang kanlang nasabing samahan. -Peter Boromeo, Jason Soledad-

Block IIC said...

ang fraternity ay nakakatulong sapagkat hindi lahat ng fraternity ay may masamang layunin, o naghahatid lamang ng mga kaguluhan sa komunidad. nararapat lamang sa isang tao na nagnanais sulmali o lumahok sa isang fraternity o alinmang mga samahan, alamin ang layunin ng grupo at maging ang mga ikakabuti dulot nito di lamang pansarili kundi maging sa bawat taong sangkot.

Block IIC said...

para sa amin, hindi ito nakakatulong dahil marami sa mga estudyante ang nasisira ang kinabukasan. sapagkat mayroong mga estudyante na napabalitang namamatay dahil nito. _group 6_

Block IIC said...

para sa akin hindi nga dapat husgahan sila agad, pero ang problema sila na mismo ang gumagawa ng mga bagay na ang tao na mismo ang makakakita ng kanilang mga imoral na pinag-gagawa -joselito-

Block IIC said...

para sa akin hindi nga dapat husgahan sila agad, pero ang problema sila na mismo ang gumagawa ng mga bagay na ang tao na mismo ang makakakita ng kanilang mga imoral na pinag-gagawa -joselito-

Block IIC said...

para sa amin nakakatulong ito sapagkat ang fraternity ay mayroon silang tinatawag na brotherhood, kailangan mo ng kaibigan upang maging masaya ang iyong college life,ikanga "no man is an island".kaya importante ang fraternity sa mga taong nagiisa o mga walang kaibigan.piliin mo rin ang fraternity na papasukan mo?at alamin mo kung maganda ba ang kanilan layunin. group 2

Block IIC said...

Alam nating lahat na ang fraternity at sosority ay isang uri ng kapatiran.Subalti kadalasan sa naririrnig ko tungkol dito ay hindi isang uri ng kapatiran ang ginagawa nila.Diba sa magkapatid ay dapat nagmamahalan?hindi sinasaktan ang isa't-isa?.Pro bakit kadalasan na naririrnig ko o nababasang balita tungkol dito ay may mga nangyayari na karumaldumal?May pinapatay,may inabuso o ginahasa?Ganyan ba ang kapatiran?Ako lng po ay nagtataka..._OCHIA_

Block IIC said...

para sa amin hindi talaga nakakatulong ang pagsali sa mga fraternities and sororities kasi karamihan sa mga miyembro dito ay mga hambog at kadalasan ay hindi pa alam ng mga magulang ng mga estudyanteng kasapi dito!kadalasan ito ay nagdadala lamang ng sakit sa katawan..tulad na lamang ng pagkamatay ng isang estudyante sa maynila. Kaya dapat iBan ang mga fraternities and sororities sa mga eskwelahan.-Nicdao at Toledo-

Block IIC said...

para sa akin dapat munang kilalanin ng mabuti ang kasapi sa grupo tulad ng fraternity at ang sorority,kasi hindi naman lahat ng kasapi ay mga bad influence.Pero mas nakakabuti kung hindi nalang sasalui sa ganyang grupo para iwas gulo.karen Carreon

Block IIC said...

para sa akin dapat munang kilalanin ng mabuti ang kasapi sa grupo tulad ng fraternity at ang sorority,kasi hindi naman lahat ng kasapi ay mga bad influence.Pero mas nakakabuti kung hindi nalang sasalui sa ganyang grupo para iwas gulo.karen Carreon

Block IIC said...

Para sa amin hindi lahat ng mga fraternity at sorority ay nagdudulot ng masama sa mga sumasali dito.Sapagkat may fraternity at sorority na may mabuting layunin kung bakit nila ito itinatag isa na dito ang pagkakaroon ng kapatiran o ang tinatawag na brotherhood o sister hood.
-baer,maden joyce at moradas,judy mae

Block IIC said...

para sa akin ang pag kakaroon ng fraternity ay naka dudulot ng masamang ipekto sa mga kabataan.Pero minsan may ibang maka bubuti. kaya mas mabuting alamin muna natin ang kanilang propaganda o kahalagahan sa kanilang samahan bago kayo sasali sa kanilang samahan.

kareen mae baer

Block IIC said...

para sa akin ang pagsali sa isang organisasyon ay may nakakasama at mabuting epekto sa isang mag aaral.ang mabuting epekto ay ang pagkakaroon mo ng isang kaibibagang karamay, subalit may masama naman itong epekto tulad ng pagkakaroon ng hazing at iba iba pang nakakasamangepekto sa mga sumasali sa nasabing organisasyon.

julanie baer

Block IIC said...

bakit ba ang tao ay sadyang ganyan?
hindi ba kaya nilang mag aral na wala ang kapatiran? bakit ako kinaya ko sila pa kaya?
para sa akin,hindi na kailangan pa ang kapatiran upang makatapos tayo ng pag-aaral. Poverty is not the hindrance to success.

Arniel P. Navarro
block C

Block IIC said...

Para sa akin ang Fraternity ay hindi nakakatulong sa mga estudyante, sa halip ito ay nakakasakit. ang habol ng kapatiran sa estudyante ay para dumami sa ibat ibang paaralan at makasakit sa mga bagong pasok na miyembro. Ang mga unang pasok na miyembro ay gaganti sa mga bagong miyembro papaluin at uutusan. at ang nakakasama nito ay hindi alam ng mga magulang na ang kanilang anak ay sumali sa kapatiran. ako bilang estudyante ay hinda sang-ayon o tutul sa kapatiran dahil ito ay nakakasakit lamang.
Sepboy Sanico

Block IIC said...

Para sa akin, hindi nakakatulong sa akin ang kapatiran dahil nakakasakit lang ito sa mga tao nakakasama. Pwede man tayong na hindi kasama ang tinatawag nilang brotherhood at sisterhood. Para sa akin,mali ang pag tayo ng fraternity.
Paul P. Coscos

Block IIC said...

Para sa akin,hindi ako sumasang-ayon sa Fraternity at Sorority dahil sakit sa katawan lang ang ating aabutin.Kung babasihan lang natin ang nangyari isang estudyante sa PUP na namatay dahil sa pag sali sa isang organisasyon hindi naman tayo sisikat kung sasali tayo sa kapatiran kundi ang pangalan lang ng kapatiran ang sisikat. Kaya kung meron mang taong magrecruit sa inyo ay hindi ka papayag sa kanilang gusto.
-Emar Louie Sarcos-

Block IIC said...

Sa aking panig, ang kapatiran ay walang maidudulot na kabutihan sa eskwelahan lalo na sa mga estudyante.Ito'y magdudulot lamang ng kaguluhan sa eskwelahan lalo nat kapag may hindi pagkakaunawaan ng bawat grupo. ito din ay mag bubunga ng hindi pagkaka-unawaan sa pamilya lalo na kapag ang anak ay nakakuha ng hinndi mabuting ugali sa ka grupo niya. ang pina ka punto dito ay may posibilidad na maaaring ikamatay ng estudyante dahilan sa mga pasa at galos sa pag salisa kapatiran.
-Christopher Oniola-

Block IIC said...

Marami na ang nababalita tungkol sa parami ng kao na namamatay sa hazing, ito ay ang sobrang pagpalo o bugbug na natatamo. Para sa akin, ito ay dapat na i ban o ipag bawalna ang Fraternity at sorority dahil marami namang ibang paraan o mga organisasyon na hindi ka sinasaktan o pinapahirapan sa pag pasok sa isang kapatiran.
-Roween Cadirao-

Block IIC said...

Sa akin, kung ang pag sali sa kapatiran ay dumadahilan sa pag hahanapng kaibigan, katulong, at masasandalan ay hindiito sapat na dahilan sa pagsali nito sapagkat, marami ng nababalita sa radyo, pahayagan at telebisyong mga taong nalalagay sa kapahamakan dahil o nag dadala sa kanila sa kamatayan dahil sa pagsali dito.Tulad na lamang sa nangyari kay Cris Mendez, isang estudyante sa UP na namatay sa hazing ng kanilang organisasyon.Hindi niya natupad ang kanyang mga pangarap dahil namatay siya ng maaga dahil sa kapatiran. Isa lamang siyang halimbawa na hindi tayo dapat mag padala sa mga recruiters ng Fraternity at Sorority.
-Jeleanne T. Florida-

Block IIC said...

Anong silbi ng kapatiran kung ikaw ay sinsaktan? bakit pa may kapatiran kung andyan naman ang mga kaibigan? para sa akin, walang maidudulot na maganda ang kapatiran, sapagkat napatunayan na kada isang taon ay may namamatay o nasasaktan dahil sa pagsali pa lamang sa nasabing samahan. At para sa iking mga mahal na kapwa mag-aaral: matuto tayong magmasid sa mga masamang epekto ng kapatiran.
_Jean D. Endresto_

Block IIC said...

Para sa akin ito ay nakakasama kasi basi sa aking mga napag-alamang impormasyon at basi narin sa aking nakikita. Halimbawa nalang yong pinsan kong may asawang kabilang sa nasabing organisasyon, isang araw kami ay nag-usap tungkol sa fraternity at sorority sabi niya na nagsisisi siya sa pagsali nya sa kanilang organisasyon sapagkat dahil daw dito marami na syang natutunang mga gawain na di kaayaaya tulad ng iba't ibang bisyo.Nagpapatunay lamang na wala talaga itong naitutulong, siguro sa iba ay ginagawa nalang nila ito na pampalipas oras, pampalimot sa problema at iba pa. Kong ako sa kanila ay dapat isipin muna nila kong anu-ano ang kanilang makukuha sa nasabing organisasyon bago sila sumalisali. Babala sa mga gustong sumali ng frat at sorority dapat mag-isip isip kayo ng mabuti, hindi lang isang beses kundi maraming beses baka sa huli ay pagsisihan niyo pa ang inyong naging desisyon.
_Janesse Canceran II-C_

Block IIC said...

hindi!!!!!!!!nakakasama ito sa ting kinabukasan!


Mary Joy Arroyo blk C

Block IIC said...

nakakasama ang pagsali ng fraternity sapagkat problema lamang ang aabutin natin sa pagsali sa ganitong organisasayon..

Karen Carreon blk C

Block IIC said...

ang pagsali s amga fraternity sorority ay hindi nakakasam sa pag-aaralng mga mag-aaral. Ito ay kung ang bawat mag aaral ay naglalalyong makapagtapos ngg pag-aaral at naglalaong mapagbuti ang kinabukasan at sarili. Ang pagsali sa mga organisasyon ay nakakabuti sapagkat sa ganitong paraan maareingh lumawak ang sariling kaalaman at maaring ma ekspose sa mga positibo at negatibong mga pangyayari sa ating komunidan.

Block IIC said...

Jessa Mondala (BlockIIC)

Ang pagsali sa mga fraternity at sorority ay hindi maaring maging hadlang s apagaaral ng mga mag-aaral sapagkat maaring maging isa itong paraan ng mga mag aaral na magkaroon ng ibang mga pananaw sa buhay at maaring maging paraan din upang magkaroon ng mga kaibigan at maging expose sa mga pangayayati sa lipunan. Ito ay kung ang isang grupop ay may matinong mga miyembroi at may layuning mapaunlad ang lawak ng poananaw ng bawat mag aaralk at nagsisilbing gaby sa kanila tungo sa kaunlaran.Ang pagsalki dito ay maaring isang paraan upang magkaroon ng mga kakilala at magkaroon ng mga kasama sa mga kasiyahan at katuwaan bilang isang mnalayang mag-aaral.

Block IIC said...

Ang pagsali-sali sa mga fraternity ay maaring magdulot ng di maganda sa buhay ng mga mag-aaral sapagkat ito ay maring magdulot ng di maganda at masamang impluwensiya sa kanilang pag-aaral. GAya na lamang ng di pagpasok sa paaralan at sa klase sapagkat sila ay naeengganyo sa pagpunta-punta at pagsali sa mga aktibidadis na ang may pasimuno ay ang mgha miyembro ng fraternity.


Jocelyn Gascon Block IIC