Wednesday, August 6, 2008

Ano Nga Ba Ang Fraternity At Saan Nga Ba Ito Nagsimula? (group 4 II-C)


Ang fraternity ay galing sa salitang latin Frater na ang ibig sabihin ay kapatiran, tinutukoy nito ang pormal na organisasyon at pagkakapatiran ng isang grupo.
Ang kaibahan ng fraternity sa ibang organisasyon ay ang implikasyon ng myembro sa pagkakaroon ng malayang asosasyon at pantay-pantay na pagkakaroon ng benipisyal na layunin.
Noong una limitado lang ang fraternity sa mga lalaking myembro ngunit habang tumatagal ay sumasali na ang mga babae at ngayon nga ay may tinatawag na tayong sorority na ang ibig sabihin pagkakapatiran ng mga kababaihan.
Ang fraternities ay pwedeng mabuo dahil sa maraming layunin at ang iba ay dahil sa mga tipikal na layunin kasama na dito ang edukasyon sa mga pamantasan, relihiyon, pulitika, at iba pa.

Saan nga ba nagsimula ang fraternity?
Noong panahon ng Griyego at Romano ay may masasabi na tayong mga fraternal na organisasyon na hanggang ngayon ay patuloy pa ring nananatili. Ang may mga aspetong katulad nito ay tinatawag na Confraternities
na nananatiling kakampi ng simbahang katoliko sa panahon ng Medyebal.
Ang paglago ng Freemasonry o ang tintawag na grupo na merong pagkakatulad sa isang aspeto noong taong 1700 ang naging dahilan ng pagkakaroon ng kritikal na pag-aalsa laban sa praternal na mga organisasyon at merong daan-daang mga freemasonry ang nagsilabasan.
Ang paglago ng grupong ito ay bigla na lamang nagbago sa Amerika dahil ang kalayaan sa pagkakaroon ng asosasyon sa labas ng regulasyon ng gobyerno ay hindi pinapahintulutan ng batas.

5 comments:

Block IIC said...
This comment has been removed by the author.
Block IIC said...

Sa kapanahunan nila, naganap narin ba ang mga "hazing" na nangyayari ngayon? Kung ating iisipin maraming mga pangyayari ang nagaganap dahil dito. Isa na dito ang mga balitang may istudyante na namatay dahil sa hazing. Hindi natin kaila na hanggang ngayo'y hindi pa nabibigyan ng hustisya ang kanyang pagkamatay. Sa palagay niyo ba, noong kapanahunan nila nagagamit na ang hazing kaya tayong mga taga-sunod ay naimpluwensyahan na dahil dito?

Sheila A. Fontillas

Block IIC said...

Sinasabing isa sa mga benepisyo ng fraternities ay ang madaling makakuha ng trabaho..O'o mahirap ang maghanap ng trabaho ngayon ngunit may iba namang paraan kung paano mapadali ang pagkuha ng trabaho. maaring sa pag-aaral ng mabuti sa dahilang kapag maganda ang records mu oh gradu ay maraming tatanggap sayo,,marami rin kasing nasisira ang kanilang pag-aaral dahil sa samahang ito..kapag nasira ang iyong pag-aaral madali k pa kayang makakakuha ng trabaho???

BY: Serlyn Villa

Block IIC said...

sabi nila ang fraternities ay tumutulong sa kapwa nila kasama!!pero sa panahon ngayon nakatulong kaya sila?Maraming lumalabas sa mga lathalain na maraming na mamatay dahil sa hazing!!sa tingin nyo ito ba sila nakatulong sa kapwa nila kasama?makadudulot sila ng kasiraan sa mga kabataang walang malay..makakasira din ito sa ating pag aaral..

kareen Mae A.Baer

Block IIC said...

para sa akin sa ganitong grupo meron syang layunin pero ang tanong inaplay ba nila ito sa mabuting paraan?....

Kasraen Carreon