Monday, August 25, 2008

Ano nga ba ang layunin ng mga estudyante sa pagsali sa mga fraternities at sororities? (GROUP 3)

Isa sa mga maituturing na pinakalayunin ng pagsali ng mga estudyante sa mga fraternities at sororities ay ang kapatiran (brotherhood)o pagkakaroon ng maraming kaibigan.karamihan sa mga kasapi nito, ay tinuturing na pangalawang pamilya ang kanilang mga orgmates na kanilang masasandalan sa oras ng kagipitan. Kaya naman sa kabila ng mga pagsubok o initiation rites na involved dito ay di nila inaalintana. Kadalasan sa mga fraternities at sororities ay may motto na " isa para sa lahat at lahat para sa isa ", kaya naman marami ang nahihimok na sumali dito. Mayroon din namang mga fraternities at sororities na may layuning paunlarin ang komunidad at inisip ang kapakanan ng nakararami, kaya marami rin ang nagiging intresado na sumali dito. Isa rin sa mga kadahilanan ng pagsali ng estudyante sa mga organisasyong katulad nito ay ang mga benipisyong makukuha habang nag-aaral at kapag nakatapos, dahil may mga frat alumni na nagbibigay ng mga skolarship at trabaho para sa mga kasapi nito. May mga fraternities at sororities din na naghahandog ng mga leadership trainings na humuhubog sa personalidad at abilidad ng bawat miyembro ng frat.Maraming mga benipisyong makukuha sa pagsali sa mga fraternities at sororities dahilan na maraming estudyante ang sumasali dito.
Ang inisasyon sa isang fraternity at sorority ay hindi na bago dahil ito ay isang ritwal kung saan sinusubok ang tapang at determinasyon ng mga baguhang miyembro na sumasali dito. Ngunit sa kasamaang palad ay may mga fraternities at sororities na pinaiiral ang mga hazing, kung saan nagaganap ang pang-aabuso at harassment sa mga neophytes na nagreresulta sa mga aksidente.Dahil dito ay ipinagbabawal ang pagpapahintulot ng pagkakaroon ng mga hazing sa mga fraternities at sororities upang maiwasan ang mga kapahamakang maaring maidulot nito.

5 comments:

Block IIC said...

Maraming layunin ang ang mga taong sumasali sa organisasyong ito.Pero hindi nila alam na pwedeng masayang ang buhay nila o di kayay mawala ang mga pangarap nila.
Sorry to say this
SA MGA TAONG SUMASALI SA FRAT AT SORORITIES HINDI KAYO MGA GAGO......TAO KAYO HINDI BA NINYO ALAM NA NAWAWALAN KAYO NG DIGNIDAD AT DANGAL..................NABUBUHAY TAYO PARA MAGING MASAYA SANA MAREALIZE NINYO IYON NA ANG LAHAT NG TAONG NABUBUHAY NGAYON AY LUBOS NA PINAGPALA KAYA SANA HINDA NATIN ITO DAPAT SAYANGIN.....

BY:OFIANGA,RUBY CONCEPCION S.

Block IIC said...

Para sa akin, isa lamang ang layunin ng bawat estudyante sa pagsali sa fraternity at sorority. Ang sila ay maaliw at isa pa marami na rin tayong naririnig na mga pangyayari tungkol sa mga ibat-ibang fraternity at sorority. Mayroong namamatay dahil sa pagsali sa fraternity.sa kabila naman, kung mayroon man silang naitutulong ay hindi lahat ay naibibigay.
-Arayan, Jan Hazen L.-

Block IIC said...

hindi ako sang-ayon na papasok ka lang sa ganitong organisasyon dahil lang sa magkaroon ng maraming kaibigan!!!yan lang ba ang dahilan upang magkaroon ng kaibigan?

Block IIC said...

yan ba ang brotherhood at sisterhood? palo doon, palo dito at may papaso-paso pa....

Mary joy arroyo

Block IIC said...

hindi ako sang-ayon na papasok ka lang sa ganitong organisasyon dahil lang sa magkaroon ng maraming kaibigan!!!yan lang ba ang dahilan upang magkaroon ng kaibigan?

Karen Carreon