Monday, August 25, 2008

DAPAT NGA BANG I-BAN ANG FRATERNITY AT SORORITY?(group 2)

Ang fraternity at sorority ay may masama at mabuting maidudulot sa bawat taong sasali sa ganitong grupo.Sa ganitong sitwasyon hahayaan paba nating may masamang mangyayari sa atin bago tayo magdesisyon?
Para sa amin,dapat lamang na i-ban ang fraternity at sorority dahil nagdudulot ito ng problema sa mga kabataan at estudyanteng may malaking plano sa kanilang hinaharap.Hindi naman namin sinasabi na masama ang pagsali sa ganitong grupo, kaya lang sa mga nasagap at napanood namin sa telebisyon at mga balita tungol sa fraternity at sorority meron talagang malaking porsyento na magdudulot ito ng problema sa mga magulang at maging sa mga taong sasali sa ganitong grupo.Meron kaming mga taong nakapanayam at sinabi nila na dapat lang daw na i-ban ang ganitong grupo kasi wala daw magandang makukuha o mapupulot dito.Maraming nagsasabi na brotherhood at sisterhood!sa ganitong pagkakapatiran wala daw silbi ito.Paano pa natin masasabi na brotherhood at sisterhood kung marami parin sa ngayon ang nagdurusa dahil sa hazing na kanilang ginagawa.Kagaya nalang nung UP student na namatay kamakailan lang dahil sa inisasyon, sa ganitong sitwasyon alam na natin na nagdudulot talaga ito ng gulo at pasakit sa mga magulang ng mga nasasangkot sa ganitong grupo.
Para sa inyo ano nga ba ang dapat gawin?i-ban nga ba ang fraternity at sorority at bakit?

8 comments:

Block IIC said...

para skin nararapat lamang na i-bond ang fraternity at sorority dahil alam naman ntin na ito ay wlang magandang maidudulot.kaya dapat lang na mawala na ang ganitong organisasyon para wala nang mapapahamak gaya ng nang nangyari sa ilang mga estudyante ng UP. Ang ganitong pangyayari ay hindi lamang sa isang unibersidad maaring mangyari kundi maging sa iba't ibang unibersidad narin. by: Constancia lumansoc

Block IIC said...

Sa panahon ngayon, maraming mga masasamang sitwasyon na ang nangyayari dahil sa pagsali ng mga estudyante sa tinatawag nating kapatiran. Hindi natin maikakaila na maraming mga magulang na hindi talaga sang-ayon sa pagkakaroon ng ganitong organisasyon sa mga unibersidad. Talamak na ang mga balitang may mga inisasyon na nanyayari na magdudulot talaga ng masamang epekto hindi lamang sa sarili kundi pati narin sa lugar na ating ginagalawan. Sa kabilang dako, meron namang mga sorority at fraternity na totoong pagkakapatiran talaga ang motibo, walang halong mga hazing o mga aktibidad na makakasira sa mga estudyante. Sa halip na pinapalo nila ang mga bagong myembro, eh hinuhubog nila ang mga kakayahan at abilidad ng mga estudyante at pinapagyaman nila ang tunay na halaga ng pagkakapatiran. Tinutulungan rin nila ang mga myembro sa kanilang mga suliranin at tinuturo ang mga magagandang asal na dapat taglayin ng isang mabuting tao.
Bago tayo pumasok sa isang grupo o sa isang organisasyon, kailangan muna nating kilatisin ang mga myembro at mga patakaran nito. Sa ganitong paraan, hindi tayo malalagay sa panganib at hindi tayo mapeperwisyo. Pero para talaga sa akin, hindi ako sang-ayon sa pagkakaroon ng ganitong organisasyon sa mga unibersidad. Gusto ko ng katahimikan! Ang tunay na pagkakapatiran ay hindi sapat na makukuha sa pagsali sa ganitong organisasyon kundi ito ay mailalahad mo ng libre sa iyong kapwa na hindi ginagamitan ng hazing o kahit na anong karumal-dumal na aktibidad. Ayon nga sa kasabihan, "Sa panahon ng kagipitan, nasusukat ang tunay na kaibigan."
Magkakapatid tayong lahat!

BY: Mitos G. Milana II-C

Block IIC said...

Kung i-ban ang fraternity may dalawang posibleng mangyari.Una,siguradong papalag ang mga miyembro nito.Ang masama pa pwedeng magkagulo.Pangalawa,wala ng magiging biktima ng hazing.
Kaya nararapat lang na i-ban ang hazing dahil ito ang nagiging dahilan kaya merong mga taong namamatay at nawawalan ng pangarap.
Sigurado ako na kung sino man ang miyembro ng mga organisasyong ito.Hindi nila ito maiintindihan at hindi sila sasang-ayon sa mga opinyon ko.Gayunpaman umaasa parin ako na magiging concern ang ating gobyerno sa isyung ito.

by:OFIANGA,RUBY CONCEPCION S.

Block IIC said...

bakit nga ba kailangan pa ng isang inisasyon bago makasali sa isang fraternity?

by:GUMAHIN, Anabel R.

Block IIC said...

para sa akin nararapat talagang i-bond ang frtaternity at sorority para hindi na masundan ang mga namatay o nasira ang buhay dahil sa pagsali sa fraternity at sorority.Dahil sa pagsali sa ganitong organisasyon maraming mga kabataan ang nalilihis ang landas at marami ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral.maaari ring isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang nasasangkot sa krimen na laganap ngayon sa ating kumonidad. kaya para sa akin dapat na i-bond ang fraternity at sorority bago pa mahuli ang lahat. by: escoba,sherly mae a.

Block IIC said...

dapat lng na i ban ang fraternity at sorority dahil marami ng buhay ang nawala............nakakasira sa pg-aaral.....by:mary joy arroyo block-c

Block IIC said...

dapat lamang i-ban ang fraternity at sorority dahil maraming kabataan ang nasira ang kanilang buhay


Mary Joy Arroyo

Block IIC said...

para sa akin nararapat lamang na i-ban, kasi nagdudulot ito ng problema lalong lalo na sa ating mga magulang.............

Karen Carreon