Monday, August 4, 2008

FRATERNITY AND SORORITY@GROUP 6

Para sa amin, masasabi namin na may mabuti at masamang epekto ang pagkakaroon ng fraternity at soronity, kung pag-uusapan natin ang negatibong epekto makikita natin nagyon na hindi basta-basta o hindi madali ang pag-sali sa isang grupo, makikita natin na ang iba ay sinusukkat talaga ang kanilang paniniwala sa grupo at kung minsan humahantong pa ito sa imoral na mga pangyayari, minsan may nasasaktan, nauutusan na gumawa ng hindi kanais nais na mga bagay. Ang iba naman yung matagal na o kaya'y siya na nangungulo sa grupo minsan inana-abuso niya ang kanyang pagka-pangulo, mababasa at makikita natin ngayon na ang ibang fraternity ay ginagahasa nila ang mga babaeng baguhan at ang mga lalaki naman ay pinapaso o di kaya'y pinag-papalo.....

Sa kabilang daku naman hindi natin maikukubli na may mabuti ring epekto ang pagkakaroon ng grupo, ang sabi nga ng iba ang mga ka brad daw nila sa grupo ang tumutulong sa kanila sa pag-hahanap ng trabaho. Ang iba naman sinasabi nila na ang kanilang ka brad ang nagproprotekta sa kanila sa mga taong may binabalak na masama sa kanila. Ang iba naman, sinabi nila na sa grupo, doon sila nakakahanap ng kasiyahan at importansya.

Kung susumahin natin ang lahat ng ito, ang pag-laganap ng sorority at fraternity ay dumedepende parin sa tao. depende ito sa tao kung sasali ba siya o hindi, pero kung ako ang tatanungin mas makakabuti na hindi nalang sumali, para pag-dating ng panahon hindi ka mag-sisisi....................

8 comments:

Block IIC said...

Totoong mayroong ibat-ibang klase ng fraternity.May masama at mayroon ding maganda ang hangarin. Ang importante ay kailangan marunong kang pumili ng grupo o kaibigan na sasamahan o sasalihan at kinakailangan din na kilala mo ang mga taong kasali sa grupong yun.At para makasiguro wag ka nalang sumali sa mga fraternity para hindi masayang ang buhay mo.

Block IIC said...

Tama nga ang sinabi niyo, na sa fraternity minsan inaabuso nila ang kanilang pagiging leader, dito maraming nasasaktan, maraming 'di kanais-nais na mga pangyayari ang nagaganap, nakakatulong ito sa paghahanap ng trabaho at higit sa lahat minsan naghahanap tayo ng mga kaibigan at mga taong masasabihan ng problema na doon nakukubli ang mga sakit at panibughong nadarama. Sa palagay niyo, bakit pa nila nagagawang sumali gayong alam na nila na buhay nila ang nakataya? Maliban na lamang dahil sa mga problemang dumarating kaya gusto na nilang sumuko at mismong buhay ay kaya na nilang ibuwis sa hindi tamang dahilan.

Block IIC said...

Hindi lahat ng praternity ay madaling pasukan. Ang iba ay marami pang pagdadaanan bago makapasok sa organisasyong ito. Ang iba ay dadaan muna sa hirap bago makapasok sa tinatawag nilang kapatiran.
By: Hurry T. Batista

Block IIC said...

ang fraternity ay isa lamang organisayon na may ibat-ibang layunin at implekasyon na dumedepende pa rin sa taong sasali nito kung paano nila panghahawakan ang pgiging myembro.Ngunit bago tayo papasuk sa samahang ito nararapat lamang timbangin at isiping mabuti kung anu ang maganda at di mabuting dulot nito lalo na sa pag-aaral.

by.serlyn villa

Block IIC said...

Kung pag babasihan natin ang sinabi nang group 6. Sang ayon ako sapagkat hindi lang kasamaan ang binubunga ng pagsali sa tinatawag nating fraternity at mayroon din itong magandang naiidulot tulad ng....
tunay na kaibigan kung saan tutulungan ka sa oras ng kagipitan at handa kang damayan.ika nga no man is an Island. at hindi ka makapag tapos kung wala kang kaibigan.at nasasa iyo ito kung sasali ka dapat pagisipan mo ito ng paulit ulit ng hindi mo ito pagsisihan.
Bungalan Erwin

Block IIC said...

Para sa akin ang pagsali sa isang grupo ng fraternity at sorority ay depende sa layunin o hangarin ng grupo. Pero kung ating pagbabasehan ang mga nangyayari ngayon marami nang mga mimyembro nito na naabuso at nasasaktan. ngunit nasa sainyo parin ang desisyon kung kayo'y papasok dito. Hindi rin naman kasi lahat nang organizasyong tulad nito ay masama ang hangarin gaya ng tinatawag nilang kapatiran na tutulong raw sa iyo.

Judy Mae Moradas

Block IIC said...

Tama!pagsisisi lamang ang iyong maaabutan kung ikay sasali sa fraternity at sorority...maraming masamang epekto ito...

Mary joy Arroyo blk C

Block IIC said...

para sa akin walang mabuting maiidulot sa pagsali sa ganitong grupo dahil sakit sa katawan ang kahahantungan nito...

Karen Carreon