Wednesday, October 15, 2008

"ANG PAGSISISI AY LAGING NASA HULI"

Importante ba ang fraternity? Bakit maraming mga kabataan ang naiingganyong sumali dito? Ano ba ang halaga ng fraternity gayong mas natutuonan pa ito ng mag pansin ng mga kabataan kaysa sa mabuting pag-aaral? Maraming mga katanungan sa isip ko kung bakit ito may importansya sa pamumuhay ng mga kabataan sa ngayon o maging sa hinaharap...Ano pa kaya ang maiidulot nito sa pagdating at paglipas ng panahon?
Basi sa mga nasagap kong impormasyon at sa aking pagsasaliksik, "Ang fraternity ay galing sa salitang latin "Frater" na ang ibig sabihin ay kapatiran, tinutukoy nito ang pormal na organisasyon at pagkakapatiran ng isang grupo. Noon mga lalake lamang ang sumasali sa mga ganitong organisasyon pero habang tumatagal pati mga babae ay sumasali narin at ang tawag sa kanila ay "sorority" na hango sa mga babae lamang...
Lahat tayo'y alam ang kahahantungan kapag sumali sa FRATERNITY o SORORITY at kahit ano pang nga organisasyong may kinalaman dito. Walang tangang tao ang papasok dito kung hindi nila alam ang kanilang hahantungan. May dalawang taong nag-alok sa akin na sumali sa sinabing organisasyon. Kaya nila ako inalok dahil sa isang damit na aking sinuot na hindi ko alam na ito pala'y may malawak na kahulugan sa kanila. Unang pagbati nila sa akin ay Gang may organisasyon ka ba? Sabi ko naman wala po, bakit? Sabi nila sali ka sa organisasyon namin. Sabi ko naman, ay bawal sa akin ang sumali sa ganyan kasi bago ako tumuntong nang syudad nag-usap na kami ng mga magulang ko na bawal akong pumasok sa ganyang mga organisayon. Sabi naman nila, huwag kang mag-alala wala nang hazing ngayon, sa organisasyon kasi namin ipinapatupad na ang pagtatanim at kung anu-ano pang gawaing mas nakabubuti kaysa sa naunang alituntunin. Nangyari ang mga pangyayaring ito nang masimulan kong magtanong at magsaliksik sa nasabing paggawa ng blog para sa ating Retorika sa Filipino 3.
maliban sa mga katanungan at opinyon ko, sa mga pangyayaring iyon napaisip ako, maraming mga bagay'ng nagagawa ang ganitong mga organisasyon, mga pangyayaring na noon ay mas makabuluhan kaysa sa pagpapatakbo nang mga organisasyon ngayon, at mga pangyayaring mas nababibigyan ng magandang tuon. Minsan kasi hindi natin naiiwasan na ikumpara ang ating sarili sa kung sino mang tao na mas nakakataas pa sa atin. Sumasali tayo sa isang bagay na minsan nakakalimutan nating tingnan at isipin ang masamang epekto na midudulot nito. Kaya nasasabing "ANG PAGSISISI AY LAGING NASA HULI".

SHEILA A. FONTILLAS II-C

No comments: