Friday, October 17, 2008

Bakit marami ang nagkakainteresado na sumali sa Fraternity at Sorority?

Ayon sa nakalap kong impormasyon ang mga kabataang nagkakinteresado na sumali sa Fraternity at Sorority ay dumarami sa mga kadahilanang ang kapisnang ito ay nakakatulong sa kanilang pag-aaral. Nagsagawa ako ng pagsisiyasat tungkol sa kanilang mga opinyon kung talagang nakakatulong ang Fraternity at Sorority sa kanilang pag-aaral. Ayon sa opinyon ng sampung mag-aaral ng USP pito sa kanila ang nagsasabing nakakatulong ang Fraternity at Sorority sa kanilang pag-aaral. Isang halimbawa nito ay sa panahon kung saan nakakaranas ang isang mag-aaral ng kagipitan. Ayon sa kanila interesado silang sumali dahil sa panahon ng kagipitan ay mayroong kapatid na handang tutulong sa iyo at iyan ang tinatawag nating "brotherhood". Sa sampung mag-aaral ng USP tatlo naman sa kanila ang nagsasabing hindi nakakatulong sa ating pag-aaral ang pagsali sa Fraternity o Sorority. Dahil sa mga iba't -ibang kadahilanang ito:

1.) Marami ang namamatay sa hazing dahil hindi nila nakayanan ang hirap at sakit na kanilang dinanas sa sinsabi nilang kapatiran.

2.) Ang iba naman ay interesado na pumasok dahil lamang sa kanilang kagustuhan na maging aztig at katakotan sa paningin ng karamihan.

3.) Interesado silang pumasok sa kapatiran dahil lamang sa kadahilanang naimpluwensyahan lamang sila ng kanilang mga kaibigan.

Napakasit isipin na maraming mga kabataan na na-iingagnyo at nagkaka-interisado na pumasok sa Fraternity at Sorority. Kahit alam nila na may iba't-ibang dilema ang hatid ng Fraternity at Sorority sa pagpasok sa tinatawag nilang kapatiran.

-Arniel P. Navarro
Block C
(BSAB)

No comments: