Wednesday, October 15, 2008

Advantages at Disadvantages sa Pagsali sa Fraternity at Sorority

Walang masama sa pagsali sa fraternity at sorority.Ito ang iniisip ng bawat studyanteng nagbabalak pumasok sa organisasyong ito.Puro positibo kasi ang iniisip nila maliban nalang sa madadamang sakit kapag acceptance na.
Pero sa pagsali sa mga organisasyong ito merong advantages at disadvantages.
Ang advantages,matutulungan ka nila sa panahon ng kagipitan o di kaya namay kailangan mo talaga ng tulong dahil gipit na gipit ka na. Meron akong kakilala na miyembro ng isang fraternity.Sabi niya malaki daw ang utang na loob niya sa organisasyong ito dahil noon dawng naospital ang kanyang ina dahil inatake sa puso at wala silang pera para sa mga gamot tinulungan daw siya ng organisasyong ito.Ito ay isang katibayan na merong advantages sa pagsali sa organisasyong ito.
Pero ngayon talakayin naman natin ang mga disadvantages.Alam nating lahat na masama ang mga kinalalabasan minsan sa pagsali sa organisasyong ito.Ang iba namamatay dahil hindi nakakayanan ang sakit during hazing.Hindi lamang iyon, pati pangarap ng magulang gumuguho rin kapag namamatay ang isang tao dahil lamang dito.
Sana naman naiisip ng mga studyanteng sumasali sa fraternity ang mga disadvantages.Huwag tayong maging kampante sa mga advantages. Baka kasi hindi na maapreciate iyon kung wala ng buhay ang taong umaasa sa positibong epekto sa pagsali sa fraternity at sorority.

OFIANGA,RUBY CONCEPCION S.

2 comments:

Block IIC said...

Totoo na ang sinabi mo na mga advantages at disadvantages ng fraternity at sorority. Ngunit para sakin kahit na maari ka nilang matulungan sa panahon ng kagipitan, pero masasaktan ka muna bago ka makapasok sa kanilang organisasyon di bale nalang. May ibang paraan pa na pwedeng gawin para lutasin ang problema nang isang tao kagaya nalang ng pagsabi sa magulang tungkol sa problema at mabibigyan ka rin nila solusyon tungkol sa iyong problema, hindi ka pa masasaktan. Maari ring maghanap ng trabaho upang masolusyon o matugunan ang problemang kinakaharap.
by:Lumansoc, Constancia

Block IIC said...

Para sakin totoo lahat ang sinabi tungkol sa "Advantages at Disadvantages sa pagsali sa Fraternity at Sorority", ngunit dahil lamang sa pagsali sa ganung clasing organisasyon ay maraming nasisira na buhay, bakit pa kailangan natin sumali sa kanila kung ganyan rin lang ang kalalabasan o kahahantungan. Hindi nga masama ang sumali sa kanila dahil marami kang makikilalang kaibigan na maari kang tulungan sa problema ngunit hindi lahat ng problema mo ay masolusyonan nila dahil ika nga sa kasabihan "problema mo, sagot mo".
by: Corrales, Edsil Mary Joy A.