Friday, October 17, 2008

Ano nga ba ang epekto ng fraternity at sorority sa karakter ng mga kabataang Pilipino?

Sa aking mga nakapanayam na mga dating miyembro ng fraternity at sororities tungkol sa pahayag na ito, marami daw ang naging epekto ng pagsali nila dito sa paghubog ng kanilang pagkatao. Isa sa maituturing na pinakadahilan ng kanilang pagsali sa mga fraternities at sororities ay belongingness o upang magkaron ng maraming kaibigan o karamay sa oras ng kagipitan. At ayon sa kanila, nakita talaga nila ang tunay na suporta ng kanilang mga brads at sis.Kaya naman malaki ang kanilang nagiging paniniwalang walang mananakit sa kanila at kung meron man malaki ang kanyang depensa laban sa kanila. Maliban dito, ang pagpapalakas ng loob o self-confidence ay isa rin sa mga dahilan. Bawat miyembro ng isang fraterniy at sorority ay dumadaan sa matinding pagsubok upang subukin ang kanilang tapang at galing, kaya naman mas lalong lumalakas at tumitibay ang kanilang loob lalo na kapag nalampasan nila ang lahat ng mga initiation rites o hazing sa mga fraternities at sororities na sinasalihan nila. Dahil hindi daw basta-basta ang mga pagsubok dinaanan nila.

kadalasan rin daw, mayroong mga ugali ng mga miyembro na nakukuha ng isa tulad na lamang nang pagiging wild, astig, sabay sa uso at sobrang bilib sa sarili at hambog. Ito ang mga negatibong ugali na makikita sa kanila ng karamihan, kaya naman marami ang di sang-ayon sa pagpapanatili ng mga fraternities at sororities sa mga eskwelahan. Ngunit sa mga taong kasapi dito marami ang naging pakinabang at naitulong nito sa kanila dahil nga sa pagkakapatiran kung saan ito ang nagbigay sa kanila ng lakas ng loob, katatagan at tapang.

Noon marami ang masasabing positibong naidudulot ang mga fraternities at sororities, tulad na lamang ng isa sa mga nakapanayam ko na nakatulong ang kanyang sis sa fraternity na sinalihan niya sa kolehiyo na may malaking posisyon sa isang kompanya na nagbigay sa kanya ng trabaho. Ngunit sa pagdaan ng panahon, wala ng magandang naidudulot ang mga ito dahil may nababalitang namamatay dahil sa mga hazings na tinuturing na mga rituals sa bawat bagong miyembro na sumasali dito. Dahil dito, nag-implementa ang gobyerno ng anti-hazing law, na siyandg naging daan kaya may mga eskwelahan na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng mga fraternities at sororities.

By: Sheila Mae Nicdao II-C

1 comment:

Block IIC said...

Ang epekto sa pagsali sa mga ganitong organisasyon ay may positibo at negatibong aspeto. Kung sa mga myembro ng mga fraternities at sororities ay may malaking maitutulong ang kanilang organisasyon para sa pag-unlad sa kanilang mga sarili, para naman sa iba ay nakakapagdulot lamang ito ng kaguluhan at kawalang hiyaan. Hindi naman natin masisisi ang mga myembro nito, subalit sa pagdaan ng mga panahon, ang mga faternities at sororities ay gumigimbal sa pamumuhay ng mga kabataan lalung-lalo na sa mga magulang na kung saan ang mga inisasyon na nangyayari ay humahantong sa mga malalang pasakit o kundi man ay kamatayan ng mga myembro. Dahil sa mga masasamang balitang nakakalap tungkol sa mga fraternities at sororities sa ngayon, ang ating pamahalaan, mapa-lokal man o nasyonal ay gumagawa na ng mga hakbang upang mapatigil ang paglaganap nito. Maging ang ilang mga unibersidad ay ipinagbabawal na ang ganitong uri ng organisasyon. Para lamang sa kapakanan ng mga kabataan, ipinapatigil na ang mga fraternities at sororities sa kanilang mga gawain o anumang hakbangin.

Ni: MITOS G. MILANA II-C