Wednesday, October 15, 2008

Ano nga ba ang pinagdadaanan ng mga kasapi sa fraternity at sorority? by escoba, sherly mae gruop 4 II-c

Ito ang gumogulo sa isip ko kung bakit marami ang sumasali sa frternity at sorority. Ano nga ba ang kanilang pinagdadaanan bago mapabilang sa samahan? ito ba ay nakakapagpaunlad sa ating kataohan? pinahahalagan ba ng Master mo ang buhay mo? itoy ilan lamang sa mga tanong na kahit na alam na natin ang sagot ay binabalewala lang sa ng ilan.

Tinatawag nilang "Master" ang napabilang na sa samaha, kung ikaw ay baguhan sa samahan kailangan mo mo ng patunayan sa iyong master na karapatdapat ka, kailangan mo munang dumaan sa butas ng karayom bago ka nila tatawaging "brod" at "sis".

apat na buwan mong paglilingkuran ang master mo, tahat ng kanyang utos ay susundin mo, pupunta ka sa bahay nya ay maglilinis ka ng kwato nya at maglalaba. Sa paaralan ay uutosan ka nila ng kung anu-ano na kung hindi mo makaya ang tindi ng pagkahiya ay malamang sa mental ka pupunta.

Pagkatapos ay papaloin ka nila, una ay isang palo hang sa 20 o 30 palo at kung malalampasan mo ito ay mapapabilang kana sa samahan. pero hindi dito ng tatapos ang kanilang paghihirap kaingan pa nilang maghanap ng bagong kasapi at sila naman ang tatawaging "master".

O! sasali ka ba? makakaya mo ba ang mga pagsubok para lang mapabilang sa samahan? itataya mo ba ang buhay mo para mapatunayan ang iyong katapatan sa samahan? pag-isipan mong mabuti baka ikaw naman ang paglalamayan ng iyong mga tinuturing mga kaibigan. But di ka na lang mamuhay ng tahimik at masaya kasama ang iyong pamilya, kaibigan at iba pa. by escoba, sherly mae a.

2 comments:

Block IIC said...

Kung ganun rin lang ang gagawin nila sakin na mga pagpapahiya at pagpapasakit bakit pa ako sasali sa organisasyon nila??....Ika nga sa kasabihan "Ang buhay ay mahalaga, Nararapat lang na pahalagahan". Kung mahal mo ang sarili mo wag mong hayaan na pahirapan ka ng ibang tao. Hindi ka nga magawang pahirapan ng magulang mo ang ibang tao pa kaya?? Sino ba sila para tawaging "Master?" hindi naman sila Diyos para tawaging ganun, tao lamang sila katulad natin.
by: Lumansoc, Constancia II-C

Block IIC said...

Para sakin hindi ako sasali sa ganyang organisasyon, bakit ko hahayaang saktan nila ang sarili ko gayong inaalagaan ako ng magulang ko. Masarap mabuhay kung marami kang kaibigan ngunit hindi sa paraang sinasaktan, pwede ka namang magkaroon ng kaibigan na hindi ka sinasaktan. Alam natin na ang buhay natin ay limitado lamang kaya dapat nating pahalagahan ito at hayaang mabuhay ng walang nasasaktan o napapalo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaibigan o ka-bro o sis.
by: Corrales, Edsil Mary Joy A.