Thursday, October 16, 2008

Fraternity at Sorority: Nakakaistorbo sa Pag-aaral

Tayo ay pumapasok sa paaralan upang may matutunan,masuklian ang paghihirap ng ating mga magulang,makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay.
Ano nga ba ang sabi ng iba kung ika'y sasali sa Fraternity at Sorority? Pagdadamayan raw at pagkakapatiran.Tama nga ba? Ngunit bakit maraming mga estudyante ang namiligro ang buhay at namatay. Imbes na ang oras mo ay nasa paaralan at nakikinig sa leksyon ay lumalabas para bigyang oras ang fraternity at sorority. Nasaan ba ang pagkakapatiran kung nakikita mo ang iyong kapwa na pinapalo at pinapaso na walang kasalanan? Nasaan ba ang pagdadamayan kung ikaw ay nasasaktan na at umiiyak dahil sa sakit ng katawan. Yan ba ang sinasabi nilang pagkakapatiran at pagdadamayan?
Palo doon,palo dito,sampal sa kanan, sampal sa kaliwa.Saan ba doon ang natutunan nila? Naghahanap lamang sila ng sakit ng katawan.
Tayo ay nasa paaralan upang sa ganon naman ay masuklian natin ang pagpapagod ng ating mga magulang sa paghahanapbuhay. At hindi suklian ng pag-aalala na hahantong sa pagkakasira ng buhay. Nadadamay ang ating mga magulang,dapat pinapasaya natin sila sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti.
Paano ka makakapagtapos kung wala ka palagi sa klasrom at mababa ang skor mo sa exams. Hindi maganda na ika'y gragraduate na puro pasang awa ang mga grado mo. Nakakahiya! Paano mo rin magagawa ang mga takdang-aralin mo kung palaging sumasakit ang katawan mo? Paano ka magkakaroon ng magandang buhay kung ang naabot mo sa pagsali sa fraternity at sorority ay simula ng pagkasira ng buhay mo? Marami na ang namatay sa fraternity at na rape sa sorority. Yan ba ang pagkakapatiran at pagdadamayan? Wala kang matutunan sa ganyang organisasyon. Hindi rin ito nakakatulong sa ikakaunlad ng iyong buhay at marami kang masasaktan lalong lalo na ang iyong mga magulang.
Sa mga kabataang papasok sa kolehiyo ay sana mamulat kayo kung ano ang magiging kinabukasan niyo kung kayo ay sasali sa fraternity at sorority. Sana ay i-ban na rin ang ganitong organisasyon upang di na tularan at wala ng buhay ang masayang.

Maraming salamat po sa iyong pagbabasa!

Mary joy R. Arroyo Block C

1 comment:

Block IIC said...

Mula nang tayo ay mamulat dito sa mundong ating ginagalawan, ang ating mga magulang na ang umaagapay at tumutulong sa atin sa pang-araw-araw. Sila ang nagsisilbing ilaw ng ating kinabukasan dahil sa mga magagandang pangarap na kanilang pinaplano sa ating buhay. Kung may mga problema tayong kinakaharap, agad silang rumiresponde at tumutulong sa pagresolba ng mga ito. Kung pag-uusapan natin ang pagsali ng mga kabataan sa mga fraternities at sororities, eh talagang iinit ang ulo ng ating mga magulang. Hinding-hindi sila papayag na maging barumbado ang kanilang mga anak, at lalong hindi sila papayag na masira ang magandang kinabukasan na hinahangad nila sa kanilang mga anak. Sa panahon kasi ngayon, sirang-sira na ang pangalan at reputasyon ng mga fraternities at sororities. Pati ang ibang organisasyon na pagkakapatiran lang talaga ang minimithi ay nadadamay. Kaya, sa paningin ng mga magulang, masama talaga ang pagsali sa mga fraternities at sororities. Sa kabilang dako, bilang isang mag-aaral, huwag nalang nating pagurin ang ating mga sarili sa pagsali sa ganitong mga organisasyon kung alam talaga nating ito'y makakahamak lamang sa ating mga sarili at walang magandang maibubunga sa ating hinaharap. Mas mabuting i-pokus natin ang ating atensyon sa pag-aaral nang sa gayon ay umunlad tayo. Isa pa, wala tayong magiging alalahanin at magiging masaya pa ang ating mga magulang dahil sa ating magandang hangarin. Wala pang sakit ng katawan ang makukuha at mga pasong matitikman. Kaya sa mga kabataan, hiling kong ipagbuti ninyo ang inyong pag-aaral at maging magandang ehemplo kayo sa mga susunod na henerasyon. Maging mapagmatyag at baguhin ang mga masasamang gawain dito sa ating lipunan!

Ni: MITOS G. MILANA II-C