Thursday, October 16, 2008

KOMENTO NG MGA MAGULANG TUNGKOL SA FRATERNITY AT SORORITY

Sa aking mga nakapanayam sa mga magulang tungkol sa fraternity at sorority merong sang-ayon at hindi sang-ayon sa ganitong pagkakapatiran. Sa ganitong sitwasyon marami tayong malalaman kung ano ba talaga ang hinaing o gustong ipaabot ng mga magulang sa matataas na pamahalaan sa ganitong klaseng grupo. Hindi sa lahat ng panahon ang mga peer group ay nakatutulong dahil lahat ng bagay sa mundo merong negatibo at positibo.Magiging epektibo at malinis sa pananaw ng mga tao ang isang peer group kung meron itong malaking maiaambag na maganda sa lipunan. Dahil hindi naman babatikosin ng mga opisyal ng ating pamahalaan ang ganitong pagkakapatiran kung maganda lamang ang kinahihinatnan sa mga taong sasali sa ganitong grupo.
Tatlo sa limang aking nakapanayam sinabi nila na dapat lamang daw i-ban ang ganitong klaseng grupo dahil hindi ito nakapagdudulot ng maganda sa kabataang sasali. Ang nais lamang nilang ipaabot sa gobyerno na dapat subaybayan ng maayos ang mga kabataan lalong lalo sa mga kolehiyo dahil sa ganitong level daw nagsisimula ang fraternity at sorority. Sa ibang panig dalawang magulang ang nagsabi na wala naman daw masama sa ganitong pagkakapatiran , ayon sa kanila nakatutulong daw umano ito sapagka't kung may problema ang isa sa grupo ay tutulong ang lahat kaya nga marami ang sumasali sa ganitong pagkakapatiran o fraternity a sorority. Hindi naman daw siguro tanga ang mga kabataan na sasali sa ganitong grupo dahil hindi naman lahat nito ay nakakasama.
Samat'wid merong mga magulang ang sang-ayon at hindi sang-ayon sa fraternity at sorority. Pero sa ganitong sitwasyon mas marami ang hindi sang-ayon, sapagkat talaga daw na nakapagdudulot ito ng disgrasya o kapahamakan, halimbawa nalang yung sa UP student na namatay dahil sa hazing, isa lamang daw iyon sa mga kadahilanan kung bakit kailangang i-ban ang ganitong grupo. Para sa mga gobyerno kailangan talagang tutukan ang ganitong sitwasyon sapagkat magulang ang mas maaapektuhan kapag may masamang nangyari sa kanilang mga anak.

By:Karen C. Carreon Blk-C

1 comment:

Block IIC said...

Iba't ibang diskusyon ang nangyayari kapag pinag-uusapan ang mga fraternities at sororities. Merong iba na sumasang-ayon dito at meron namang hindi dahil sakit sa katawan lamang daw ang makukuha.
Kung ating babalikatin at pag-iisipan nang mataman, merong mga positibo at negatibong epekto ang pagsali ng mga kabataan sa ganitong uri ng organisasyon. Kailangan talagang balansehin at maging matalino ang mga kabataan sa pagpili ng mga organisasyong kanilang papasukan. Hindi sa lahat ng oras may magandang maidudulot ang mga organisasyon sa ating mga sarili pati na sa ating kinabukasan. Kaya naman, hindi natin masisisi ang ibang mga magulang na hindi talaga sang-ayon sa pag-usbong ng mga fraternities at sororities dahil nakikita nila ang masamang bunga nito sa mga kabataan. Sa mga magulang naman na sang-ayon sa ganitong uri ng organisasyon, siguro ay naranasan nila salitang pagkakapatiran at pagdadamayan noong sa panahon ng kanilang kabataan. Hindi talaga natin masasabi ang mga spekulasyon na bumabalot sa hinuha ng bawat indibidwal dito sa ating lipunan. Nakakapagsabi lamang sila na masama o mabuti ang isang bagay base na rin sa kanilang mga karanasan at mga impormasyong nakukuha nila sa kanilang kapaligiran. Ang maipapayo ko lang, dapat maging atentibo tayo sa mga nangyayari sa ating paligid. Hindi natin alam, baka tayo na ang susunod na makakaranas ng mga pangyayaring hindi natin inaasahan.

Ni: MITOS G. MILANA II-C