Wednesday, October 15, 2008

May epekto ba sa pag-aaral ang pagsali sa isang organisasyon tulad ng Fraternity o Sorority?

Alam natin na ang Fraternity at Sorority ay matagal nang laganap sa buong mundo. Ang kadalasang kasapi sa organisasyong ito ay mga istudyante. Kaya naman pumasok sa isipan ng lahat ng tao kung may masamang epekto ba ito sa pag-aaral ng mga kabataang kasapi sa organisasyon? Sa tingin ko, hindi ito nagdudulot ng masamang epekto sa mga istudyanteng kasapi sa fraternity o Sorority. Ang pagsali nila sa organisasyong ito ay mas nakakatulong pa sa kanilang pag-aaral. Naging scholar pa sila at naging mataas ang kanilang grado dahil nagiging interesado sila sa pag-aaral at pag eenrol sa mga tutorial pag nahuhuli sila sa klasi. Pinaparusahan kasi sila pag mababa sa minimum ang kanilang grado. Maraming fraternities din na inaantay muna nila ang resulta ng kanilang grado bago mag initiate sa mga bagong kasapi ng kanilang grupo.

Kaya napatunayan na hindi lahat ng ginagawa ng isang fraternity o sorority ay nakakasama sa isang tao. Pero alam natin na lahat ng tao ay may kanya kanyang opinion tungkol sa usaping ito. Kaya naman, kayo na ang bahala kung gusto nyo pangsumapi sa ganitong klasing organisasyon sa kabila nang lahat ng mga pangyayaring nagaganap at nababalitaan sa ating kapaligiran at sa buong bundo. Kinakailangan nyo lang pumili ng tamang grupo na kakaibiganin dahil hindi lahat pareho ang kanilang intensyon. Ayon nga sa kasabihan "Pumili ng tamang taong mapagkakatiwalaan".

by: Toledo, Ivy Ann II-C

1 comment:

Block IIC said...

Para sa akin, kung may epekto ba o wala ang pagsali sa mga organisasyon/grupo tulad ng mga fraternities at sororities, eh hindi na mahalaga iyon. Basta't ang pinakaimportante ay maging mapili sa mga organisasyong sasalihan na talagang makakatulong sa pag-unlad ng iyong sarili sa darating na bukas. Nakataya ang iyong sarili maging ang magandang kinabukasan sa iyong tamang pagdedesisyon. Humingi talaga ng panalangin sa Poong Maykapal upang ang tamang landas ay iyong maabot.

Ni: MITOS G. MILANA II-C