Wednesday, October 15, 2008

Nakakatulong ba sa isang mag aaral ang pagsali sa isang fraternity?

Karamihan sa mga mag aaral ngayon ay naguguluhan kung ano ba talaga ang maidudulot sa pagsali ng isang organisasyon tulad ng fraternity at sorority. Pero para sa akin ay dalawa lamang ang maidudulot na resulta sa pagsali mo sa nasabing organisasyon ito ay ang mga makakasama o makabubuti.

Tulad na lamang sa mga balibalitang ating napapanood sa telebisyon na mayrong nababawian ng buhay dahil sa pag sali lamang sa isang organisasyon.Ang mga kadahilanan sa pagkawala ng kanilang mga buhay ay ang mga sumusabrang inosasyon ng pinuno sa sinalihan kanilang oraganisasyon.

Ngunit mayroon naman itong mabuting maidudulot sa isang mag aaral, ito ay ang pagkakaroon mo ng isang kaibigan at karamay sa panahon ng iyong kagipitan. At mayroon din namang mga grupo ng isang fraternity at sorority na aking nakikita na tumutulong sa ating kumunidad sa oras ng pangangailangan tulad na lamang ng Alpha Philippine Omega fraternity na bukas pusong tumulong sa isang nasunugang lugar dito Davao.

Kaya ang maipapayo ko lang sa mga kapwa ko mag aaral ngayon, na may balak sumali o pumasok sa sa nasabing organisasyon ay pag isipan nyong mabuti kung may mabuti ba itong maidudulot sa inyong sarili.

post by:julanie baer blk 2c

2 comments:

Block IIC said...

sa panahon natin ngayon inaabuso na ang pagsali sa isang fraternity..maraming napapabalita ang napatay dahil sa mga initiation kaya ang masasabi ko sa panahon natin ngayon hindi ito nakakatulong sa mga mag-aaral...pwede naman siguro tayong sumali sa mga organisasyon na hindi na kailangan ng mga initiation..diba?


by:GUMAHIN, Anabel

Block IIC said...

Ang masasabi ko lang sa katanungan na ito ay maaring may maitutulong ang isang fraternity sa isang mag-aaral dahil ayon sa isang kasapi ng ganitong organisasyon, ay pinaparusahan sila pag mababa ang kanilang grado..kya sa palagay ko hindi lahat ay masama.

by: Lumansoc, Constancia II-C