Thursday, October 16, 2008

Nakamamatay ba ang pagsali sa Fraternity at Sorority?

Maraming kabataan ngayon ang namatay ng dahil lamang sa pagsali ng fraternity at sorority, bagaman marami pa ring kabataan ang gustong sumali sa ganitong organisasyon.
Bakit gusto ng mga kabataan ang pumasok sa ganitong organisasyon gayong alam naman natin na maraming pahirap ang pagdadaanan bago ka makapasok o maging kasapi ng isang kupunan o organisasyon, hindi ka rin sigurado kung anong kahahangtungan ng pagsali mo, pwede kang mabuhay o mamatay.
Hindi masama ang sumali sa ganitong organisasyon, marami kang makikilala o maging kaibigan, matutulungan ka rin nila sa iyong problemang kinakaharap. Alam natin na kapag pumasok ka sa fraternity at sorority meron ka munang pagsubok bago ka maging kasapi sa kanilang grupo kagaya na lang sa pagsunod sa utos ng nakakataas sa kanila o di kaya sa pagpalo sa iyong paa o kamay na isa ring sanhi kung bakit mamamatay isang tao na pumasok nito.
Pwede ka naman magkaroon ng kaibigan o maraming kakilala ng hindi nasasaktan, maging mabuti ka lang sa kapwa mo siguradong marami kang maging kaibigan, hindi ka pa masasaktan, magkakaroon ka pa ng maraming kaibigan na pwede mong takbuhan oras na kailangan mo sila, at hindi ka mamamatay dahil lang sa palo.
Hindi ka nga pinapalo ng magulang mo o madapuan man lang ng insekto, eh nagpapalo ka naman sa hindi mo kadugo. Pero nasa sa iyo kung sasali ka sa organisasyong maaaring ikapahamak mo.
by: Corrales, Edsil Mary Joy A. Block II-C (Group 6)

3 comments:

Block IIC said...

Para sa akin maaaring nakamamatay o hindi ang pagsali sa mga fraternities.It depends ikanga, kasi bawat isang miyembro na sumasali dito ay alam nila kung ano ang mga consequences ng kanilang haharapin. Alam natin lahat na karamihan sa mga sumasali dito ay mga college students at nasa tamang pag-iisip na. Kaya kung alam natin na walang mabuting maidudulot ito , huwag nalang susubukan baka sa huli pa natin marerealize na mali ang ating naging desisyon. kaya better not to try it.-Sheila Mae Nicdao-

Block IIC said...

May ibang mga fraternities at sororities na talagang pagkakapatiran lamang ang tanging hangad, may iba naman na may mga mabibigat na pagsubok ang dadaanan ng mga neophytes bago maging isang ganap na myembro ng kanilang organisasyon. Kung saka-sakaling ang papasukang grupo ay may mga inisasyon na nagaganap, eh mas mabuting huwag nalang sumali para narin sa kaligtasan ng sarili. Marami kasing madadamay na aspeto ng iyong buhay kung nakakasama ang organisasyong sinalihan. Hindi lamang pag-aaral ang maaapektuhan kundi pati na rin ang kapakanan ng mga magulang. Kung gusto mo talagang magkaroon ng maraming mga kaibigan, mas mabuting pumili ng grupong papasukan na maaaring makatulong sa iyo sa oras ng kagipitan. Maaari ring maging palakaibigan ka upang magkaroon ng mga karamay sa buhay. May ibat ibang paraan kung gugustuhin mo lamang!

Ni: MITOS G. MILANA II-C

bLiNk_19 said...

para sa akin nasa tamang pagpili lamang ito ng sasalihang fraternity o sorority. may mga ganitong klase ng grupo na hindi na kailang may hazing pa para lamang makasali...now, nsa tao na ito kung sasali sya sa alam nyang mapapahamak sya o sa hindi sya mapapahamak